Nikki Gil admits crossing paths with Coleen Garcia

While she did cross paths with Coleen Garcia, Nikki Gil says she did not talk to ex-boyfriend Billy Crawford’s supposed current flame.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/22/2014 7:35 AM
Nikki Gil admits crossing paths with Coleen Garcia


072214-nikki_main.jpgUmamin si Nikki Gil na nasa “exclusively dating” stage siya ngayon sa isang dating kaibigan noong college. “He was a college barkada, we just have a lot of common friends from Ateneo and someone from church.” Wala na ring bakas ng kahit na anong lungkot sa aktres at sinabi nitong tunay na siyang nakapag-move on. “Yes, yes. I think sawa na talaga ang mga people sa balita, na nakapag-move on na.” 

Ngayong hindi na taga-showbiz ang dinedate ni Nikki, hindi naman daw ito isang desisyon na sinabi niya sa kanyang sarili, kungdi para sa kanya ay nagkataon din. “Not that it’s a conscious choice but I mean it’s just I guess, its less complicated… I’d rather na lang yung opinyon about it rather than have everyone have something to think of it. I like the peace and the quiet it brings and I feel like I have given so much of myself to the public. If I can just keep this to myself, that would be fantastic.”

Ibinahagi din ng aktres na hindi naman siya dumating sa estadong ayaw na niya ma-in love or naging man-hater dahil sa nangyari sa kanya. “Actually surpisingly, hindi ako dumaan sa, ‘Ayoko na, pagod na ang puso ko, ayoko na, ayaw ko na sa lalaki, sasaktan lang ako,’ because I know that theses things happen at hindi lang naman ako ang nag-iisang nasaktan. It’s not a unique story at all, it’s not different. I know people who have gone through the same in this room alone so hindi ako nagdaan dun kasi para saan pa? Mag-aaksaya ka ng panahon na maging bitter and because you are bitter you fail to see the good things that are coming your way or good people that are in your life.”

Ngayong aminado si Nikki na nakapag-move on na siya sa lahat ng napagdaanan niya sa dating karelasyon na si Billy Crawford, hindi naman ibig sabihin nito na bukas na siyang makipagtrabaho kay Billy. “I don’t thing it’s necessary. I am not kasi, I am really… When you say showbiz, there is that negative connotation to the word that I cannot [accept] because I am very transparent and so if I am not comfortable the performance might suffer. I don’t think its necessary, but I would be very professional. Wala naman akong magagawa, edukado naman akong tao, hindi naman ako.” Dagdag pa ni Nikki kahit parehas sila ng management company, “We have done a year without having to work with each other so I guess we can continue on with like that.”

Napabalita na nag-krus na ang landas ni Nikki Gil at ni Coleen Garcia, na sinasabing diumano na karelasyon na ng kanyang dating boyfriend na si Billy. At hindi naman ito itinanggi ni Nikki, “I think in Subic for the trade event.”

Ngunit nang matanong kung nagbatian ba sila kahit na simpleng “hi” o “hello,” ang nakangiti ngunit diretsong naging sagot ni Nikki, “No.”