Fourth Pagotan denies being a young father

Fourth says he is not a young father; shares how his stay in Kuya’s house brought about wonderful changes in his life

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/22/2014 7:15 AM
Fourth Pagotan denies being a young father


072214-fourth_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, matapos lumabas ng bahay ni Kuya, sinagot ni  “Brad Bait ng Pasay” Fourth Pagotan ang mga maiinit na kontrobersiya tungkol sa kanya.

Ipinaliwanag ni Fourth ang set up ng kanyang pinagmulan na pamilya. Diumano ang tatay niya ay may first wife na Pinay na namatay at nagkaroon sila ng tatlong anak. Matapos nito, nag-asawa muli ito ng Pinay at nagkaroon sila ng tatlong anak. Pangatlong asawa ng Daddy niya ang Mommy ni Fourth at apat silang magkakapatid.

Ang mommy naman ni Fourth ay nagkaroon ng asawang hapon ngunit namatay ito. Ngayon ay may Japanese “partner” ang Mommy niya at mayroon silang dalawang anak. Ani Fourth, dalawang taon sila ng iniwan sila ng kanyang Mommy sa kanyang kapatid para magtrabaho sa ibang bansa. Mabait naman diumano ang Tito ni Fourth, ngunit mahigpit lang katulad ng kanyang Daddy. Naghiwalay ang Mommy at Daddy ni Fourth matapos silang ipanganak ng kanyang kakambal na si Fifth.

Dahil isang masalimuot na setup ang kinalakihan, tinanong ng host na si Boy Abunda kung nakapag-patawad na siya. Sinabi ni Fourth na bago pumasok sa bahay ni Kuya ay hindi pa at gulong-gulo pa siya noon, ngunit ang pagtigil niya sa bahay ni Kuya ang nakapag-paintindi sa kanya ng sakripisyo ng kanyang Ina at naging daan para maintindihan niya ang maraming bagay.

Ayon kay Fourth, nagpaka-totoo siya sa loob ng bahay ni Kuya at ginawa  niya ang lahat para maging Big Winner.

Isang malaking pagbabago rin sa relasyon nilang magkapatid ang naganap sa loob ng bahay ni Kuya. Bago sila pumasok ni Fourth sa bahay ni Kuya, may kanya-kanya silang buhay at mayroon pang pagkakataon na hindi sila nagpansinan ng dalawang tao dahil lang sa pantalon.

Wala naman itong kinalaman sa pagiging bisexual ni Fifth ayon kay Fourth. Dagdag ni Fourth, lumaki silang competitor sa school at bukod dito, “dahil sa ugali rin, kuya niya ako tapos siya laging leader din lagi sa school.”

Alam na ni Fourth na bisexual ang kanyang kapatid noon pang nasa high school sila at hindi na nila ito napag-usapan.

Sa bahay ni Kuya, maraming naayos ang magkapatid dahil na rin sa mga tasks na kailangan nilang mag-usap at magtulungan. Sa bahay rin nila ni Kuya naipahayag ang pagmamahal at suporta nila sa isa’t isa.

Hindi rin diumano totoo na isang young father si Fourth. Ani Fourth, “wala po akong anak. Hindi ko hahayaang mangyari sa bata ang nangyari sa akin.”

Napabilib naman ang mga hosts na si Boy at Kris Aquino kay Fourth. May common sense diumano ito “ka-chika” at kung gusto ni Boy maging “Third,” si Kris naman gusto maging “First.”