Character Actress at Young Actor may video scandal?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

7/2/2014 11:25 PM
Character Actress at Young Actor may video scandal?


ogie.jpgNako, eto na.  Pagkatapos lumabas ng video scandal ng isang aspiring actor kung saan nagse-"selfie" siyang hubo't hubad sa harap ng kamera habang 'yun din ang ginagawa ng ka-video chat niyang isang hot non-showbiz girl, ang sabi ng aking source ay may lalabas na namang isang super ikling video in the future kung saan dalawang artista ang bida.

Ano'ng ginagawa naman ng dalawa? "As usual, nagme-make out din.  Ang tagal na nila.  Hindi lang nababalita, pero alam na ng iba na friends with benefits sila. Hanggang du'n lang, walang relasyon. Para mas maintindihan mo,  nagkakamutan lang sila ng kati, 'yun lang."

'Yung girl na tinutukoy ng source ko ay mahusay na character actress.  Maganda. Siya 'yung nabalita noon na pag nalalasing ay naghahanap ng "kalinga."  At doon sa tagpong 'yon nagkita at "nagkalingaan" ang dalawa hanggang sa maulit ito nang maulit.

"Nako, si Bagets naman, 'Day,"  si Young Actor daw,  "Sobrang pinapantasya ng mga bading at kababaihan 'yan.  Dahil alam mo naman 'yan kung makatingin at makangiti, para kang matutunaw.  Pag nagsasayaw naman, parang nang-aakit, lalo na at parang kutis-babae sa pagka-flawless."

So, what about the actor? "Hahahaha!  Disappointing, Mama Ogs! And when I say disappointing, ito 'yung super nag-expect ka nang too much, but you were just disappointed! Baka ika-shock din ng mga bading, hahahaha!"

Uh-oh!  Well, nakakalowkah nga ito kung lalabas din, huh!  Pero sana, 'wag na dahil kawawa naman sila.Hindi langit, kundi impiyerno ang isyung ito sa kanilang career kung sakaling mapanood ito ng sambayanang Pilipino.

At sa mga magsing-irog, baka puwedeng 'wag n'yo nang ibidyo at sarilinin na lang para walang ebidensiya.