• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada nagsalita na tungkol sa pagkaka-disband ng Parking 5!

Karla Estrada nagsalita na tungkol sa pagkaka-disband ng Parking 5!

Time na daw para magfocus as pag-aaral ng mga members ng Parking 5.

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

7/18/2014 9:45 PM
Karla Estrada nagsalita na tungkol sa pagkaka-disband ng Parking 5!


071814-darla.jpgNagulat ang maraming fans ng bandang Parking 5 – na kinabibilangan ng Teen King na si Daniel Padilla (bass guitarist), kapatid niyang si JC (lead vocals) at mga kaibigan nilang sina Sed Gothico (lead guitarist), Katsumi Kabe (rhythm guitarist), at Lester Giri (drummer), nang pumutok kahapon ang balita tungkol sa pagkaka-disband nito. 

Sa mga naglabasang reports, ang pag-aaral ng mga myembro nito ang sinasabing dahilan kung bakit napagdesisyunang buwagin muna ang banda.

Nang makausap ko naman ang ina nina DJ at Karla, ito po ang gusto niyang sabihin sa inyong lahat :

“Pahinga muna Mars, para magfocus muna sa pag-aaral. Pwede naman sila bumalik pag right timing na. Nagbibinata na kasi lahat kaya kanya-kanya na sila ng trip sa buhay. In time, pag ready na sila madali lang ibalik. Aral na muna.”

Ako naman personally ay naiintindihan ko ang desisyong ito. Na-disband lang naman pansamantala yung banda, pero hindi naman po ibig sabihin nito ay magkakawatak-watak sila bilang magkakaibigan. Alam naman po nating lahat kung gaano kahalaga sa kanila ang friendship nila. Kaya let’s just wish the best for them. 

Samantala, napanood niyo na ba ang She’s Dating The Gangster? Kung hindi naman po kayo napinsala ng bagyo, at gusto niyong ma-feel good… sugod na sa sinehan dahil hinding-hindi niyo dapat mapalampas ang pelikulang ito nina DJ at Kathryn Bernardo. Lalampasan nito ang lahat ng expectations niyo, hindi lang ito basta magpapakilig sa inyo… papaiyakin din kayo ng bongga. Pansinin ang lalim ng pag-arte ng KathNiel.