• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes says she wants to lessen sexy roles after ‘Trophy Wife’

Cristine Reyes says she wants to lessen sexy roles after ‘Trophy Wife’

Cristine Reyes reveals why she wants to lessen sexy roles; she also talks about Ara Mina and the guy she’s seeing exclusively.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/18/2014 10:40 AM
Cristine Reyes says she wants to lessen sexy roles after ‘Trophy Wife’


071814-christine_main.jpgAyaw na nga ba ni Cristine Reyes sa sexy roles? Sinagot niya ito at iba pang maiinit na katanungan sa Aquino and Abunda Tonight.

Sinabi ni Cristine na gusto na niyang bawasan ang mga sexy roles matapos ang Trophy Wife kung saan siya bibida kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay. Gusto naman daw ni Cristine mag-focus sa action o kaya drama at gusto na rin niya “mag-move on naman sa next chapter of my career.” Hindi rin ito gimik para marami ang manood ng Trophy Wife kasi hindi naman daw siya “ma-gimik na tao.”

Tinanong ng host na si Kris Aquino kung awkward ang naging love scene nila ni Derek ngunit ayon kay Cristine awkward talaga gawin ang love scene kahit sino pa man ang ka-eksena.

Napag-usapan ang kanyang dine-date na half-Persian at half-Pinoy guy. Ayon kay Cristine, exclusively dating lamang sila at hindi pa mag-nobyo. Hindi raw sanay ang nasabing lalaki sa mundo ng showbiz. Inamin ni Cristine na posibleng may kinalaman ang kanyang pagiging “in love” sa kanyang desisyon na bawasan na ang sexy roles.

Mga two years na silang magkakilala simula pa noong November, 2012. “He is someone I can really connect with,” ani Cristine. Kapag magkasama sila ay “parang kaming may sariling mundo.” Masaya rin si Cristine na nakikilala na niya ang pamilya ng lalaki. Umaasa rin si Cristine na magiging pangmatagalan na sila ng lalaki.

Okay na rin diumano sila ng kanyang kapatid na si Ara Mina at minsan magkasama silang nagsisimba. Inamin ni Cristine na nagkaroon ng miscarriage si Ara nang first-quarter ng 2014, ngunit si Ara na lang daw ang tanungin kung nagdadalang tao muli ito. Masaya rin si Cristine para kay Ara at nang tanungin kung ikakasal na si Ara, sagot ni Cristine, “I hope so. I think so.”