Young actor, mahilig "makiligo" sa isang condo?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

7/17/2014 4:45 PM
Young actor, mahilig


071714-ogie.jpgAyaw namang bigyan ng malisya ng isang security guard sa isang sosyal na condo building along Roxas Boulevard ang pagpunta-punta nang madalas doon ng isang guwapong young actor.
         
Madalas daw ang young actor doon, pero hindi naman talaga ito doon nakatira. Dinadalaw lamang daw nito ang isang sosyalera at rich gay businessman. "Pero ewan ko po kung ano na ang nangyayari kasi pupunta yang batang yan dito, kung minsan, dis oras na ng gabi.
       
"Kung minsan, nakaporma o kaya naka-walking shorts lang o kaya naka-jersey pa, nakapambasketbol. Saglit lang naman siya. Mga one hour, ganon.

"Pero madalas yon, pag bumababa na, parang bagong ligo na. Kasi, medyo basa pa ang buhok eh.  Eh, baka nakikiligo lang siyang madalas doon."
       
Eh, kung hindi binibigyan ni kuya ng malisya ang pagpunta-punta doon ni bagets eh di sige, madali rin akong kausap. Hindi ko na rin ito bibigyan ng malisya. Although noon ko pa nababalitaan na "boy toy" ito ng naturang bading, pero idine-deny lamang nito.
     
Kunsabagay, meron ba namang aktor na ipinagmamalaki in public na may dyowa siyang bading, di ba?  Saka hindi naman para kundenahin pa natin ang "behind the scenes" ng naturang young actor, dahil sa pag-aartista naman, minsan, mahina rin ang raket at parang open secret naman sa showbiz ang mga ganyang "sideline" ng ibang artista.
       
Eh, nung araw, grabe din ka-busy itong si bagets at ngayon ngang medyo "mahina" ang pasok ng proyekto sa kanya eh mas maganda ngang "makiligo" na lang muna siyang madalas du'n sa bading para mabuhay ang kanyang dugo at kalamnan at kabulsahan.