• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen speaks up about daughter Inah Estrada entering showbiz

Janice de Belen speaks up about daughter Inah Estrada entering showbiz

Janice de Belen admits she hoped that her children wouldn’t enter showbiz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/17/2014 9:50 AM
Janice de Belen speaks up about daughter Inah Estrada entering showbiz


040913-janice_main.jpgIsa na nga sa mga anak ni Janice de Belen at John Estrada ang pumasok na sa showbiz, si Inah Estrada na napapanood ngayon tuwing Sabado sa Wansapanatym. At nang makakwentuhan ng Push si Janice, agad na natanong kung siya rin ba ang nagmamanage sa anak niya. “She is under Star Magic. Ayaw ko kasi mag-manage dahil hindi na kaya ng powers ko ‘yan saka siguro kasi personally kasi kapag ang parent ang nag-mamanage sa anak niya sobrang daming conflict niyan eh. Apart from the fact na artista ako. Ako nga may manager tapos ako pa magma-manage, parang ang weird lang kaya sa Star Magic ko siya ipinagkatiwala.”

Aminado si Janice na umasa siyang maiiba ang landas ng kanyang mga anak dahil aniya, hindi naman siya nagkulang sa pagpapakita sa mga anak kung gaano kahirap ang pagpasok sa showbiz. “Sa lima kong anak, I know inevitable talaga siya. Hindi man lahat, may isa diyan. Pero as a parent and for someone who knows how hard it is to be in show business, I was hoping, kasi exposed naman sila eh, dinadala ko sila sa tapings, sa shooting, sa trabaho, so nakikita nila yung ganda, alam nila yung part na mahirap. I was hoping na malihis sila ng landas ng pag-aartista, I was hoping na something different, but she is old enough to know what she wants. Lagi ko ngang sinasabi na as long as this is what you want. Kasi kapag andun ka na hindi mo pwedeng sabihin na kapag napagod ka na na ayoko na, hindi pwedeng ganun, nakakahiya.” 

Ngunit siniguro ni Janice na nabilinan niya ang anak ng mabuti bago nito pasukin ang show business. At ibinahagi ng aktres kung ano ang mga dapat tandaan ng kanyang dalaga. “Alam mo sabi ko lang sa kanya. ‘O heto mahirap kasi you have parents na artista, mommy at daddy mo artista, at may tiyahin ka at tiyuhin kang artista so that alone there are big shoes to fill. Hindi mo maiiwasan na may mambabash sa iyo, na sisita sa iyo na ‘Ano ba ang sabaw naman nito umarte’ sabi ko hindi mo maiiwasan. Yun sabi ko so you need, well first she needs to find her own identity, she needs to do well in what she is doing. Yung pinakaimportatnte is you do well kasi dedikasyon, pagmamahal, tiyaga, pasensiya, minsan luha pero bottomline you need to give it your best.”


040913-janice_main.jpgNaitanong din si Janice kung ano ang opinion niya sa pinapakitang pag-arte ni Inah. “Nasabi ko na sa kanya pero tina-try kong maging matipid kasi gusto ko siya mismo makita niya, kasi hindi ako masyadong matipid sa salita kahit itry ko ‘di ba? E siyempre I am looking at the point of view of someone na nanonood as an artista. Sabi ko lang sa kanya, ‘Oh, hindi ka nakikita ng camera, heto na.’ simple things, importante yan eh, yung pag-anggulo mo sa camera, you should know that your camera is there at kailangan mong mandaya. Ganun talaga kasi habang nagsasalita ka ang kita ko ito lang. So sabi ko, can improve at may iimprove.”

Inamin niyang mas naging madali sa ama ni Inah na si John Estrada ang tanggapin na papasok na ang kanilang anak sa pag-aartista. “I think between John and I, mas si John ang open na mag-artista si Inah kasi ako may hesitations ako kasi mahirap. Mahirap na given the fact na maraming artista sa pamilya niya, mahirap talaga but since she is there already okay naman, okay naman. Yun lang ang bilin ko, huwag mag-inarte, huwag magpagod-paguran, pinili mo yan eh. Ikaw ang pumili nito, ikaw ang nag desisyon nito, panindigan mo yan. Huwag tayong mag-drama kung tatlong araw nang hindi natutulog kasi ganun talaga.”