Aminado si Janice na umasa siyang maiiba ang landas ng kanyang mga anak dahil aniya, hindi naman siya nagkulang sa pagpapakita sa mga anak kung gaano kahirap ang pagpasok sa showbiz. “Sa lima kong anak, I know inevitable talaga siya. Hindi man lahat, may isa diyan. Pero as a parent and for someone who knows how hard it is to be in show business, I was hoping, kasi exposed naman sila eh, dinadala ko sila sa tapings, sa shooting, sa trabaho, so nakikita nila yung ganda, alam nila yung part na mahirap. I was hoping na malihis sila ng landas ng pag-aartista, I was hoping na something different, but she is old enough to know what she wants. Lagi ko ngang sinasabi na as long as this is what you want. Kasi kapag andun ka na hindi mo pwedeng sabihin na kapag napagod ka na na ayoko na, hindi pwedeng ganun, nakakahiya.”
Ngunit siniguro ni Janice na nabilinan niya ang anak ng mabuti bago nito pasukin ang show business. At ibinahagi ng aktres kung ano ang mga dapat tandaan ng kanyang dalaga. “Alam mo sabi ko lang sa kanya. ‘O heto mahirap kasi you have parents na artista, mommy at daddy mo artista, at may tiyahin ka at tiyuhin kang artista so that alone there are big shoes to fill. Hindi mo maiiwasan na may mambabash sa iyo, na sisita sa iyo na ‘Ano ba ang sabaw naman nito umarte’ sabi ko hindi mo maiiwasan. Yun sabi ko so you need, well first she needs to find her own identity, she needs to do well in what she is doing. Yung pinakaimportatnte is you do well kasi dedikasyon, pagmamahal, tiyaga, pasensiya, minsan luha pero bottomline you need to give it your best.”
Inamin niyang mas naging madali sa ama ni Inah na si John Estrada ang tanggapin na papasok na ang kanilang anak sa pag-aartista. “I think between John and I, mas si John ang open na mag-artista si Inah kasi ako may hesitations ako kasi mahirap. Mahirap na given the fact na maraming artista sa pamilya niya, mahirap talaga but since she is there already okay naman, okay naman. Yun lang ang bilin ko, huwag mag-inarte, huwag magpagod-paguran, pinili mo yan eh. Ikaw ang pumili nito, ikaw ang nag desisyon nito, panindigan mo yan. Huwag tayong mag-drama kung tatlong araw nang hindi natutulog kasi ganun talaga.”