• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion denies getting an abortion abroad: ‘Never ako ever nabuntis’

KC Concepcion denies getting an abortion abroad: ‘Never ako ever nabuntis’

KC Concepcion says she is excited to join the cast of ‘Ikaw Lamang.’

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/12/2014 11:00 AM
KC Concepcion denies getting an abortion abroad: ‘Never ako ever nabuntis’


071214-kc1_main.jpgAfter signing a new two-year contract with the Kapamilya network last July 11, KC Concepcion admitted she is happy to be back in the country after being in the US for the past four months. “First of all, talagang I was so, so happy that ABS-CBN wanted to renew me for two years and it's just really such a blessing kasi ang dami-dami naming mga artist na ngayon hindi gaya ng mga panahon ng mommy ko (Sharon Cuneta), nila tita Vi (Vilma Santos) or nila Ms. Nora (Aunor) na parang sila lang. Pero kami ang dami namin so mararamdaman mo talaga yung kailangan mong pagbutihin or galingan yung trabaho mo bilang actress. I'm so happy ABS-CBN is giving me this chance, a fresh chance to keep doing what I love. And dahil na rin sa supporters ko na nagmamahal sa akin, nandiyan kayo. You’re the reason I'm able to do a job that I love. Thank you,” she said.

After her last soap ended last year, KC said she hopes to do more complex roles and interesting hosting gigs in her new contract. “Of course through the years I've done hosting. I would still love to host. Nag-ASAP ako and then may mga binigay din sa akin na acting projects. Now is the time that I would really love to focus on acting. That's something that I'm very excited about. After siguro nung Huwag Ka Lang Mawawala na si Miss Judy Ann (Santos) yung nakasama ko. Parang na-challenge rin kasi ako sa role tapos nairaos ko. After that, sobra talagang na-realize ko na sobrang sarap umarte,” she shared.

The 29-year-old actress also shared that she will soon be busy acting alongside Coco Martin and Kim Chiu on Primetime Bida. “I'm so humbled and thankful na kasama ako sa cast ng Ikaw Lamang: The New Book. Ang taping is Monday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday (laughs). Never ko pa nakaka-work si Kim although siyempre nagkikita kami sa mga event dati, nakapag-travel na rin kami together sa TFC. Pero never yung sa work talaga na parang teleserye and pag-arte together. Ano yun eh yung mga show namin sa States para sa Filipino community. Tapos si Coco Martin nakikita ko lang sa events. So na-meet ko siya and minsan pag may pa-dinner yung Dreamscape nandun din siya. Yun lang yung encounter ko with Coco but to say na yung para ma-experience ko yung galing ni Coco Martin, ngayon pa lang mangyayari yun,” she said.

In the series, KC said her role will be a good acting challenge. “Hindi siya yung todo bida, hindi rin siya yung todo kontrabida. Parang character role siya so lahat kami character role dun kahit papaano. May mga twist dun sa mga episodes na gagawin ko,” she added.


During the time she was abroad, KC was once again hounded by rumors she was pregnant which she wanted to clarify once and for all. “Siguro yung fact kasi na parang umiikot yung pregnancy rumor na yun, dumating na kasi sa point na 18 years old pa lang ako nandun na yung issue na yun and pakiramdam ko sobrang wala talagang katotohanan. Ayan na, para klaro sa lahat, sobrang walang katotohanan. Never ako ever nabuntis sa buong buhay ko at lalong never ako nagpa-abort na kung hindi nga ako nabuntis paano ako nagpa-abort?” she said.

KC said that more than for her own reputation, she is more worried about what her family especially her younger siblings will think of the matter. “Nasasaktan din ako pag yung kunyari mommy ko na yung nagtanong or kapatid ko na yung nagtanong. Parang dun na ako nahihirapan sa totoo lang kasi paulit-ulit na lang tinatanong sa akin. And parang paulit-ulit din akong nag-de-deny kasi yun naman yung totoo. Kaya parang huwag naman po, please nagmamakaawa na ako sa inyo, huwag niyo na ulitin yung rumor na yan kasi wala talagang katotohanan. At saka masakit din for my sisters kasi siyempre para maisip pa nila na ganun, huwag naman. Pag pamilya ko na yung nagtatanong yun na yun mahirap para sa akin,” she said.

KC admitted that she is tired of hearing malicious rumors pointing out that her younger siblings are supposedly her offspring. “Kung hindi si Miel si Miguel naman so parang ano ba kayo, nagtratrabaho lang ako dito,” she shared.