Cristine Reyes opens up about dating a non-showbiz guy

Cristine Reyes says it’s too early for her to say that she is in love, but she admits being happy with her current beau.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/13/2014 2:14 AM
Cristine Reyes opens up about dating a non-showbiz guy


090313-Christine_Main.jpgSa presscon ng pelikulang pinagbibidahan ni Cristine Reyes kasama sina Heart Evangelista, Derek Ramsay at John Estrada na Trophy Wife, kinumpirma niya na kumpara sa mga eksena ni Heart dito, mas daring at mas mapupusok ang kanyang mga ginawa ditto. “Siguro kasi mas feisty yung role and stuff.” Dagdag niya pa, “Yeah siguro meron kasi na ako young daring dito at kaya din naman ako nagpakadaring dito kasi parang ito na yun eh. Hindi ko man sabihin na last na ito pero kung may gagawin ka give your best na.”

Inamin ni Cristine na ngayon ay may dine-date siyang half-Persian na non-showbiz guy. Kaya naman sa mga daring scenes na ginawa niya sa pelikula, natanong ng Push ang dalaga kung nakikialam ba o may sinasabi ang kanyang dinedate tungkol sa kanyang ginagawa. “Hindi ko alam pero siguro bago kasi siya dito eh. Hindi siya… kumbaga foreigner siya dito sa mundo natin kaya we are taking it slow.” Ngunit kwento ni Cristine, alam ng knayang dinedate ang kanyang sexy image, “Oo naman, alam naman niya yun.”

Ngunit sa estado ng kanilang relasyon, ayaw na munang bigyan ni Cristine ng depinisyon kung ano ba silang dalawa. “Hindi ko alam kasi wala pa eh, wala pang title saka ayaw ko sabihing BF (boyfriend) ko siya parang ayaw ko muna magsalita kasi right now exclusively dating.” Pero kinumpirma niya na nakilala niya na ang ilan sa mga kapamilya ng lalaki at maging ang kanyang dinedate ay nakilala na rin ang kanyang pamilya.

Ibinahagi din ni Cristine na sa ngayon ay naiisip niya nang makahanap ng taong makakasma niya ng panghabambuhay. “Right now, 25 na ako, I guess naiisip ko na din yun.”

Matipid si Cristine magbigay pa ng detalye tungkol sa lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, maging sa kung paano niya ito ilarawan, “Iba siya kasi nakita ko yung… iba siya sa lahat.” Dagdag niya pa, “I guess he has a lot of wisdom at maraming bagay na natutunan ko sa kanya kasi he is out of the business so this is life pala.”

Ngunit nang tanungin kung in love na ba siya, “Ang agang tanong niyan, dating pa lang.”