• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla and Eric Quizon reminisce about Dolphy on his 2nd Death Anniversary

Zsa Zsa Padilla and Eric Quizon reminisce about Dolphy on his 2nd Death Anniversary

Zsa Zsa Padilla and Eric Quizon say that even if they are already moving on, they still miss and remember Dolphy.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/11/2014 11:13 AM
Zsa Zsa Padilla and Eric Quizon reminisce about Dolphy on his 2nd Death Anniversary


071114-zsazsa-eric_main.jpgDalawang taon na ang nakakaraan nang pumanaw ang King of Comedy na si Dolphy, at nung July 10, 2014, isang misa ang inialay ng pamilya Quizon sa paggunita ng kanyang kamatayan. Naroon ang ilan sa kanyang mga anak na sina Vandolph, Epy, Nicole, at ibang mga kamag-anak, kaibigan at mahal sa buhay.

Kinamusta din ng Push si Eric Quizon at Zsa Zsa Padilla sa mga naging pangyayari sa kanilang buhay simula nang mawala ang Hari ng Komedya. Ayon kay Eric, “Okay naman. Nakikita mo naman ang mga mukha ng mga Quizon, we are all okay, nakakangiti pa naman kami. Of course we miss our Dad pero yun na nga parang how fast, parang ang bilis, parang hindi masyadong matagal nung nawala siya biglang ngayon second death anniversary niya so ang bilis lang ng panahon.”

Aminado din si Zsa Zsa na namimiss niya si Dolphy. “Moving on, yes. Pero siyempre kapag naalala mo we have good memories, nakakamiss talaga.”

Ibinahagi din ni Eric ang kanyang personal na paraan upang laging maalala ang namayapang ama. “He is a part of my life everyday so kumbaga I live and breathe him up to now even if he’s gone. Hindi naman every minute pero imposible sa isang araw na hindi ko siya maalala at hindi ko isipin yung mga bilin niya sa akin so ginagawa ko naman lahat. And kaya siguro hindi ko siya nakakalimutan kasi may mga bilin siya sa akin so kaya I always remember him. And whenever I get the chance kahit wala ako sa harap ng puntod niya I talk to him. Napansin ko lang lately hindi ko siya napapanaginipan masyado but I always talk to him at tumitingin lang ako sa sky or yun sa langit, tapos kinakausap ko lang siya.”

At ang isang bagay na nakatatak lang kay Eric na bilin sa kanya ng kanyang ama. “Basta gusto ko pantay-pantay, ayaw ko ng away. So, yun ang nakatatak sa isip ko and so far we are doing okay, we are doing well so masaya naman kami and kahit papaano. We all abide by sa lahat ng sinabi niya na hindi kami nagaaway-away so yun lang ang maganda kasi siyempre alam mo na hindi mo maiwasan siyempre we all have our differences and may kanya-kanya kaming iniisip at kanya kanya kaming opinyon pero at the end of the day nagkakasundo din naman.” 


071114-zsazsa-eric_main.jpgAminado si Zsa Zsa na may mga bagay pa rin siyang namimiss kay Dolphy at ang huling tatlong taon ni Dolphy ang hindi niya malilimutan. Aniya, “Oo naman kasi almost quarter of my life I was with him, 23 years so di ba talaga naman. Especially the last 3 years that he was ill, siyempre yun talaga yung pinakamemorable para sa amin dahil talagang we were closely monitoring his health, ganyan.

Para naman kay Eric, ang mga simpleng bagay tulad ng pagtawa ng kanyang ama at ang pag-kain nila ng magkakasama ang namimiss niya kapag naaalala si Dolphy. “Ang pinaka-namimiss ko ay yung nakikita ko siyang tumatawa saka yung kapag kumakain kasi ever since talaga yun ang bonding time naming pamilya yung kumain and usually kapag kumakain kamin nagpapatawa siya yun ang namimiss ko.” 

Natanong din si Eric kung may plano ba ang kanilang pamilya na gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ng kanilang ama, at hindi naman itinanggi ng direktor na bukas sila sa posibilidad na ito. Aniya, “Well, may mga lumalabas na mga ideas pero yun lang kapag inisip namin yung buhay namin yung pelikula niya, isa sa buhay, isa sa gawa, parang ang dami, parang ang haba. Ang haba ng oras na kailangan namin, parang kapag pelikula siya kalahating araw ata ipapalabas yung pelikula niya. There have been talks at napag-usapan nga namin yan. We’ll see, we’ll see, it all depends kung anong pwedeng gawin but it would be nice to have a biopic or to have like a teleserye siguro kasi sa haba ng pinagdaanan ng Daddy ko at yung buhay niya ganun kakulay, parang pang-teleserye yung buhay niya kasi.”