• Home
  • Fresh Scoops
  • Yen Santos on working with Alex Gonzaga: ‘Na-intimidate talaga ako’

Yen Santos on working with Alex Gonzaga: ‘Na-intimidate talaga ako’

Yen Santos talks about regaining her confidence when it comes to acting.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/11/2014 12:05 PM
Yen Santos on working with Alex Gonzaga: ‘Na-intimidate talaga ako’


071114-yen_main.jpgAs part of the local adaptation of the popular Korean telenovela Pure Love, Yen Santos admitted she is lucky to be given one of the lead roles in the series. “Sobrang masaya ako and at the same time na-pe-pressure ako dahil nahahanay ako sa kanila. Pero siyempre malaking opportunity ang binigay sa akin so kailangan kong suklian yung tiwala na ibinigay nila. Hindi ko talaga ini-expect na mapupunta sa akin itong role na ito. Sobrang blessed and thankful ako,” she said. Other members of the cast include Alex Gonzaga, Matt Evans, Arjo Atayde, Joseph Marco, Arron Villafor, and Yam Concepcion.

The former Pinoy Big Brother housemate admitted that when she first auditioned for the show, she was considered for the role that eventually went to Yam Concepcion. “Actually nung nag-audition ako nakakatawa kasi yung pina-audition sa akin na script is yung role ni Kayla (the kontrabida). Pagdating ko ng audition pinabasa sa akin yung script tapos after nun thank you na. Pagkatapos nun yung isang staff tumatakbo sa labas sabi sa akin, ‘Hey Yen wait lang kasi pinapatawag ka ni Direk, may isa pa siyang gusto ipagawa sa yo.’ So yung pangalawang ipinagawa sa akin yung role na ni Isabel. Lucky naman na natanggap ako,” she recalled.

In preparation for the soap, Yen said she had to brush up on her acting. “Yung regular na naging project ko Pintada pa eh with Martin Del Rosario. Medyo matagal tagal na. Pero may mga in between naman gumagawa naman ako ng MMK. Walang tampo talaga, kanya-kanyang time lang naman yan eh. Nung first taping day ko sa Pure Love sobrang nahirapan ako na parang nangapa talaga ako kasi ang tagal kong walang work tapos biglang ito ang laki ng project. So talagang hindi ko makakalimutan nahirapan talaga ako, umiiyak ako sa set na parang ano na ba yan, na-fu-frustrate ako na hindi ko siya nagawa ng maayos pero nung nagtatagal-tagal na at nag-te-taping na kami palagi at nasanay na ako dun sa character, na-isasapuso ko na siya. Nagiging madali na,” she revealed.


071114-yen_main.jpgIn Pure Love, Yen plays the role of Ysabel, a lonely girl who gets possessed by the spirit of Diane (played by Alex Gonzaga) on a quest to find true love. “Sobra talagang paghahanda ko dito pero through the workshops I attended and pag sa bahay inaral ko talaga yung script every time na wala akong ginagawa. Talagang sinasabi ko na kailangan ko aralin ito kasi dalawang characters eh. Hindi siya ganun kadali, hindi siya normal na isang character hindi kagaya sa MMK na nagawa ko na rin siya na laging iiyak. Pero ito kailangan ko gayahin si Alex, marami akong kailangan aralin, kailangan mapa-feel ko sa viewers na sumasanib si Diane sa katawan ni Isabel, so ganun siya ka-complicated,” she explained.

Having to work closely with Alex for the first time, Yen admitted there was a period of adjustment for her. “Nung una ko siyang na-meet nung nag-wo-workshop kasi kami, kaming dalawa lang. Na-intimidate talaga ako kasi Alex na siya eh. So parang inisip ko paano ko kaya i-a-approach ito? Eh yung workshop pa naman talagang mirror kasi kasi di ba sa show parang may possession, pero sobrang pag nakilala mo si Alex sobrang napakadali pala niyang i-approach, napakakulit, minsan sa set siya pa yung mangungunang mangulit sa iyo. So sobrang mabait at makulit, kung ano yung nakikita niyo sa kanya, ganyan talaga siya,” she said.

When it comes to her own love life, Yen said she is single but has a big celebrity crush. “Ang ideal guy ko basta may sense of humor. Bungisngis kasi ako so kapag may guy na magaling magpatawa, yung hindi ka ma-bo-bore pag kasama mo siya, yung ang ideal boyfriend. Si Piolo Pascual, sobrang crush ko talaga si papa P kasi unang-una alam natin na sobrang guwapo niya. And hindi lang siya guwapo, siya yung tipong guwapo na gentleman talaga. Like one time kasi nagpa-picture ako sa kanya pero Star Magic ball yun so naka-gown ako na malaki at nakaupo ako. Siya yung nakatayo. Nung nagpakuha ako talagang lumuhod pa siya sa tabi ko para lang maabot yung picture. Sobra, star struck ako sa kanya lalo na pag may ASAP tapos nakikita ko siya sa mga gilid gilid naghihintay siya mag-rehearsal (laughs). Sabi ko talaga si Papa P sobrang guwapo (laughs),” she admitted.