• Home
  • Fresh Scoops
  • Vandolph on Dolphy: ‘Hanggang ngayon kinakausap ko pa rin si Papa’

Vandolph on Dolphy: ‘Hanggang ngayon kinakausap ko pa rin si Papa’

Vandolph talks about how much he misses Dolphy, denies family disagreement over inheritance.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/11/2014 11:10 AM
Vandolph on Dolphy: ‘Hanggang ngayon kinakausap ko pa rin si Papa’


071114-vandolph_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, binigyang pugay ni Vandolph ang kanyang pumanaw na ama na si “King of Comedy” Dolphy. Pangalawang taong anibersaryo na ng pagkamatay ni Dolphy ngayong July 10, 2014. Sinagot din ni Vandolph ang issue tungkol sa hatian ng mana nilang magkakapatid.

Ayon kay Vandolph, sobra niyang name-miss ang kanyang ama, lalo na kapag pinapanood niya ang mga luma nilang pelikula at ang sikat na comedy series nila noon na Home Along Da Riles.

Kinakausap pa niya diumano hanggang ngayon ang kanyang ama katulad ng paghingi ng gabay dito sa kanyang karera. Humihingi rin si Vandolph kay Dolphy ng magagandang punchline.

Ngayong mainit na pinag-uusapan ang National Artist award, tinanong si Vandolph kung napag-uusapan ito sa kanilang pamilya dahil noon ay naging nominado rin si Dolphy sa naturang parangal. Sabi ni Vandolph masaya siya kasi nabigyan naman ang kanyang ama ng Highest Presidential award mula kay President Noynoy Aquino, ang Rank of Lakandula.

Hindi rin daw totoo na nagkakaroon ng samaan ng loob ang magkakapatid dahil sa issue ng hatian ng mana dahil inayos na ito ni Doplhy at pinagpulungan na nila bago pa man pumanaw si Dolphy. Number one rule diumano ni Dolphy ang huwag sila mag-away na magkakapatid. Kwento pa ni Vandolph, inantay pa ni Dolphy ang lahat ng magkakapatid, maging ang mga nasa States, bago ito pumanaw.

Close daw si Vandolph sa lahat ng kanyang mga kapatid lalo na kay Boy2, Epi at Eric.

Kasabay ng pagpanaw ni Dolphy, dalawang taon na rin ang show ni Vandolph na Be Careful With My Heart. Ayon kay Vandolph, sobrang saya niya na maging part siya ng naturang show dahil pakiramdam daw niya e nasa set lang siya ng Home Along Da Riles.

Magkakaroon ng isang event ang LGBT community in honor of Dolphy sa July 20. Ayon sa host na si Kris Aquino, “ it’s nice na somebody na known to have that type of masculinity as Tito Dolphy has such a close affinity with the LGBT community.”