• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez on Jomari Yllana: ‘Baka mahal pa niya ako. Feeling ko lang’

Aiko Melendez on Jomari Yllana: ‘Baka mahal pa niya ako. Feeling ko lang’

Aiko Melendez talks about ex-husband Jomari Yllana, says she has forgiven Patrick Meneses and Ara Mina.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/12/2014 1:00 AM
Aiko Melendez on Jomari Yllana: ‘Baka mahal pa niya ako. Feeling ko lang’


071214-aiko_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kalmadong sinagot ni Aiko Melendez ang mga maiinit na issue tungkol sa kanya.

Una nang sinagot ni Aiko kung napatawad na niya ang dating nobyo na si Patrick Meneses at si Ara Mina. Hindi lang daw niya napatawad kung ‘di, “ I actually have not just forgiven them but I pray for them.” Dagdag pa ni Aiko, “Dapat kapag healed ka na mapagdadasal mo na yung tao.” Parte raw ito ng pagiging Born Again niya.

Hindi pa nakikita ulit ni Aiko in person ang dalawa at hindi alam ni Aiko kung handa na siya maging kaibigan ang dalawa. “I do not know yet, I want to take it one day at a time.”

Ang pinakamainit na balita tungkol kay Aiko ngayon ay ang diumanong pagbabalikan nila ng dating asawa na si Jomari Yllana. Paglilinaw ni Aiko, magkaibigan lang sila ni Jomari at hindi sila nagkabalikan. “We are very very good friends.” Nabigyan lang diumano ng malisya ang picture nila sa Instagram. Hindi rin daw sila lumabas ng bansa.

Inamin ni Aiko na pinakikilala siya minsan ni Jomari bilang “wife,” dahil ayon kay Jomari, kasal pa rin sila sa mata ng Diyos. Hindi pa annulled si Aiko at Jomari sa simbahan. Sabi pa ni Aiko, “Unfair sa akin kasi siya lalaki pwede siya manligaw, ako natatakot yung mga gusto akong ligawan kasi akala siya pa rin ang asawa ko.

Nang tanungin ni Boy Abunda kung paano sila naging magkaibigan sagot ni Aiko, “Pinagdasal ko, sinabi ko sa kanya na kailangan i-set aside namin ang mga samaan ng loob para sa kapakanan ni Andrei.”

Hindi na rin daw sila pwede maging more than friends ni Jomari at mas gugustuhin ni Aiko na isang Christian na ang maging future partner niya.

Sinabi ni Aiko na ang “best thing” kay Jomari ay, “Alam kong si Jom nandiyan lang para sa akin kahit anong mangyari. Madami akong nagawang pagkakamali in the past, pero alam kong ang tingin niya sa akin ay hindi magbabago. Kasi napatunayan ko naman yung worth ko bilang nanay (to Andrei) at asawa niya dati.”

Hindi naman gusto ni Aiko ang pag-deny ni Jomari kapag nakikipag-date ito. Ayon kay Aiko, “Naiintindihan ko naman siya kasi lalaki siya, may needs siya.” 

At bakit naman kaya hindi sa kanya maamin ni Jomari kapag nakikipag-date ito? Sagot ni Aiko, “Baka mahal pa niya ako. Feeling ko lang.”