Jay-R admits he wants to be a Kapamilya

The singer admits wanting ‘change’; denies being ‘physically abusive’ to ex

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/10/2014 8:50 AM
Jay-R admits he wants to be a Kapamilya


071014-jayr_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinagot ni RNB Prince Jay-R ang katanungan kung lilipat nga ba siya ng ABS-CBN matapos siyang kumanta sa noontime show ng Kapamilya Network na “Showtime.” 


Diretsang sinabi ni Jay-R na gusto niyang lumipat “para maiba naman” pero ang tanong diumano ay kung gusto ng ABS-CBN. Napag-usapan nila ng host ni Kris Aquino na noon pinag-usapan na ang paglipat niya sa Kapamilya Network ngunit naudlot ito. 


Hindi rin siya naniniwala na nakulong siya sa title na “RNB Prince.” Ayon sa kanya “passion” niya ang RNB. “I love it-RNB. It worked for me. It gave me my own little niche.”


Mayroong sariling music studio si Jay-R at nagpo-produce siya ng materyales para sa ibang artists, ngunit hindi siya nagma-manage ng mga artists. Tumutulong lang daw siya sa “music side” sapagka’t, “We’re opening up Original Pinoy Music, we’re trying to raise the bar sa music natin dito.” 


Nang tanungin kung totoo ang paratang sa kanya ng kanyang ex-girlfriend na si Krista Kleiner tungkol sa pagiging physically abusive niya sinabi ni Jay-R na, “there were a lot of things that were said. Sa akin it’s all just normal relationship stuff.” Dine-deny nga ba ni Jay-R ang mga akusasyon ni Krista? “For sure,” sagot ni Jay-R.