• Home
  • Fresh Scoops
  • Arron Villaflor opens up about being overly attached to his roles

Arron Villaflor opens up about being overly attached to his roles

Arron Villaflor says he really puts his everything into every role that he plays and admits he has a hard time letting go.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/10/2014 8:56 AM
Arron Villaflor opens up about being overly attached to his roles


071014-arron_main.jpgMatapos ang kanyang pagganap bilang ang kontrabidang si Kael sa Juan dela Cruz, nagbabalik si Arron Villaflor sa Kapamilya Gold sa seryeng Pure Love. “Kasi nung binigay sa akin itong project na ito inaral ko talaga kung ano yung story at natutuwa naman ako dahil maganda yung story at maganda yung character at satisfied naman ako sa character na binigay nila sa akin.”

 

May mga ilan na nagtatanong na bakit wala pa siya sa unang linggo ng serye at maging sa lumabas noon na trailer. Ipinaliwanag ni Arron ang dahilan dito,Kaya ganun sa trailer wala ako kasi parang gusto nila dun sa character ko maraming revelations dun… especially sa character kaya abanagan nila yan at dun nila malalaman kung paano ako connected kina Dianne, kina Raymond at Isabel which is Yen Santos kaya pasensiya na, makikita niyo rin ako kapag pinalabas itong Pure Love.”

 

Dagdag din ni Arron na iba ang mapapanood sa kanya dito ngayon.Saka sobrang pasasalamat ko kasi panibagong blessing na naman ang binigay sa akin ni Lord at pinagkatiwalaan nila ako at iba ito sa character na ginawa ko noon. Ito medyo, nung nakita niyo ako sa Juan dela Cruz na masama, dito mabuting tao naman tayo dito.

 

Nang makapanyam ng Push noon si Arron, emosyonal ito sa pagtatapos ng kanyang seryeng Juan dela Cruz dahil masyado siyang kumapit sa karakter na kanyang ginamapanan at aminado siya na nahirapan siyang pakawalan ito. Aniya, “Before ang hirap i-let go ng character ko sa Juan dela Cruz kasi araw-araw kaming nagtatrabaho, araw-araw na nasa katawan ko yung character ko in a way at napag-aralan ko siya i-let go kasi maraming nagsasabi na,Oh, pakawalan mo yan sa sarili mo dahil grabe iba ang character mo dun kasi para kang nababaliw.’ Ang daming kulay, ang daming kinds of anger ni Kael dun so this time soft naman tayo. Nandun pa rin naman yung pagka-tough pero tough outside, soft inside.”


Ibinahagi din ni Arron ang kanyang pakikipagtrabaho sa mga kasamahan niya sa kanyang bagong serye.Masaya kasi kilala ko na sila eh, kilala ko sila personally. Si Yen kilala ko na yan, si Alex (Gonzaga) at masaya ako kasi nagsama-sama kami dito at nakakatuwa dahil maganda yung pag-welcome nila sa akin dito sa Pure Love. At yun marami pa kayong aabangan hindi lang sa akin kung di sa mga kasama namin at iba pang kasamahan ko dito sa Pure Love at sisiguraduhin ko na matutuwa kayo sa role ko dito. Hindi na kayo magagalit, mamahalin niyo na ako dito, swear.”