Vice Gets Sentimental at the Hurado Area

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

7/1/2014 8:38 PM
Vice Gets Sentimental at the Hurado Area


postoftheday_180.jpg

vhurado.jpg


In his July 1 Twitter posts, Vice Ganda recalls his experiences as an It's Showtime Hurado and his humble beginnings;

"Kanina i got the chance to go back to the Hurado area in Showtime to press JayR's score. I sat on one of the Hurado chairs for a few sec. 

1.jpg

Nung pababa nako andaming nagflashback sa utak ko. Then i realized kung gaano kalaking pagbabago ang dinulot sa buhay ko nung Hurado area na un.

2.jpg

 Dun sa Hurado area na yun nagsimulang mapagbigyang numingning ang bituin ko. Dun sa lugar na yun napamalas ang mga kakayahan ko para makita nyo. Dati tinanong ko sa sarili ko kung bkit naisipan ng direktor na ilagay ang pwesto ng mga Hurado s itaas ng studio. Di ko nakuha ang sagot.

Sa tuwing magbibigay ako ng kumento sa mga kalahok napansin kong lahat ng Madlang People sakin ay nakatingala at masugid na nakikinig. Ngayon ko napagtanto ang sagot sa tanong ko. Isa pala ung SIMBOLISMO. Isang simbolismo na di mo mauunawaan kung di mo babalikan ang nakaraan.

Sino ba nakapagsabi n ang unang Huradong uupo sa mataas na pwestong un ay aangat, panonoorin, pakikinggan at papalakpakan habang tinitingala?

Dahil sa pagpapala ng Diyos at sa inyo ang lahat ng yun ay naranasan ko ng nabigyan ako ng pagkakataong tumuntong sa pwesto ng mga Hurado. 

Dumating ang araw na inatasan akong iwan ang paghuhurado at bumaba sa stage para mag host. Inisip ko na ito ay isang malaking break.

Lumipas ang panahon at inakala kong kaya ako pinababa s stage ay dhil magaling akong host. Pero kanina papuntang erport naglaro ang isip ko.

Ngayn ko napagtanto n ang pagbaba ko mula s pwesto ng Hurado ay isa ring SIMBOLISMO. 

Simbolismong di mauunawaan kung di ka babalik sa nakaraan. Ito'y simbolismo na pag masyado ka ng mataas ay kailangan mo ring bumaba. Matayog ang taas ngunit malungkot. Sa baba andami kong kasama. MASAYA!
Nung sa baba nako lalo kong nakilala at minahal ang mga kasama ko.Sa taas linggo linggo iba iba ang nakakasama. Pero sa baba may isang Pamilya!

Salamat sa ilang segundong nakabalik ako sa Hurado area. Andami kong napagtanto. Lahat ng bagay ay may ibig sabihin. Lahat may SIMBOLISMO! MARAMING MARAMING SALAMAT!"

14.jpg