• Home
  • Fresh Scoops
  • Jopay and Joshua Zamora share their journey of love and marriage

Jopay and Joshua Zamora share their journey of love and marriage

Jopay and Joshua Zamora recall how they broke up three years ago before they rekindled their love last year.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/2/2014 7:00 AM
Jopay and Joshua Zamora share their journey of love and marriage


070214-jopay_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ikinuwento ng mag-asawang Jopay Paguia and Joshua Zamora ang naging journey nila bilang mag-nobyo at mag-asawa.

Kinuwento ni Joshua na three years ago nang sila ay mag-break, na-guest siya sa Kris TV at nang malaman ni Kris na break na sila ni Jopay ay agad sinabi ni Kris sa kanyang staff na imbitahin sa show si Jopay para ma-interview. Pitong taon na sila noong mag-nobyo at engaged na rin bago sila mag-break.

Noon daw, ayon kay Joshua, marami siyang pagdududa kasi marami silang “petty things na pinag-aawayan at pinagtatalunan.”

Natatandaan nina Boy Abunda at Kris Aquino na sinabi noon ni Jopay na “napakasakit na marami siyang pangarap pero hindi na ako kasali.” Ayon kay Kris, iyak siya noon ng iyak nang sabihin ito ni Jopay. Sinabi rin ni Jopay na noong iwan siya ni Joshua ang pakiramdam niya ay isa siyang ibon na nabalian ng pakpak. Sinabihan pa diumano siya noon ni Joshua na “kaya mo yan, ako nga nakaya ko.”

Aminado rin si Jopay noon na mahal pa niya si Joshua kahit hindi na siya nito mahal. Ani pa ni Jopay, “clueless ako kung bakit siya nakipaghiwalay” at nasabi niya sa kanyang sarili na “hihintayin ko siya hangga’t kaya ko.” Nakaya naman daw niyang maghintay ng may isang taon at kalahati bago siya pumayag magpaligaw sa isang Norwegian at sa isang Pinoy.

“Tumimbre” diumano kay Joshua nang malaman niya na may mga nanliligaw na kay Jopay at “siniraan” niya kay Jopay ang mga manliligaw nito. Sinabi niya na hindi ito magwo-work kasi long-distance relationship at magkakaroon din ng cultural differences.

Noong bago pa lang ang kanilang hiwalayan ay galit na galit diumano si Jopay kay Joshua ngunit nang mapalapit siya sa Diyos ay natutunan niyang magpatawad. “Kung si God nga nagpapatawad ako pa kayang tao.” Natutunan din ni Jopay na mali na “sinandal ko yung sarili ko sa kanya (Joshua).”

Nang magkabalikan sila sinabi ni Joshua na mas naging madali na ang lahat at dapat diumano “very intentional na ang lahat, may kasalan na.” Nakalimutan din niya na wala na pala ang singsing kay Jopay dahil ibinalik ito sa kanya.

October 2013 sila nagkabalikan at inulit nila ang naalala nila sa kanilang wedding vows kay Boy at Kris. Ang vow ni Jopay para kay Joshua ay, “kahit hindi mo na ako kilala, kahit di mo na mabanggit ang pangalan ko, kahit kulubot na ang balat natin, mamahalin kita ng buong buo.” Ang vow naman ni Joshua para kay Jopay ay umikot sa agape love o unconditional love niya para kay Jopay at ang relationship nila na naka-sentro sa Diyos.

Ayon pa kay Joshua, dumaan sila sa point na tinanong nila kung maibabalik pa nila ang pagmamahalan nila sa isa’t isa pero nag-trust lang diumano sila kay Lord at ngayon daw mas “nag-blossom” pa ang kanilang relationship. 

Iniwasan na nilang mag-sex simula nang sila ay magkabalikan hanggang sila ay ikasal dahil active na rin sila sa church at mas naging special pa diumano ang wedding night nila dahil dito.

Payo ni Jopay sa mga kakabaihang nagmamahal ay, “kung mahal mo talaga ang tao, hindi mo siya isusuko sa iba. Hintayin mo hanggang kaya mo, hanggang mahal mo.” Si Joshua naman ang paalala ay, “si God nagbibigay ng maraming opportunities, many chances.”

Ayon kay Boy, ipinakita diumano ng journey ni Jopay at Joshua na “love is bigger than their differences.”