• Home
  • Fresh Scoops
  • Critics say good moral character is not a criterion when choosing a National Artist

Critics say good moral character is not a criterion when choosing a National Artist

Supporters of Nora Aunor state why “drug issue” should not have affected her being named National Artist

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/2/2014 7:15 AM
Critics say good moral character is not a criterion when choosing a National Artist


070214-nora_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, sa kabila ng pagkilala ni President Noynoy “PNoy” Aquino sa narating ni Nora Aunor sa larangan ng sining sa ating bansa, nanindigan pa rin siya sa kanyang desisyon na huwag gawaran ng National Artist award si Nora. Inamin ni PNoy na may kinalaman ito sa issue ng droga ang kanyang naging desisyon.

“For the record yung tatay ko isa sa mga fans ni Nora, pati ako humahanga sa naabot niya ngayon. Ang naging problema ko lang dun alam naman nating lahat na, ginagalang ko si Bb. Nora Aunor, na-convict po siya sa drugs. Kung ginawa ko siyang National Artist, may kabilang panig naman na magsasabing paano siya as a role model. So ganito talaga itong trabahong ‘to, kahit anong naging desisyon ko meron talagang papanig doon sa salungat sa ano mang desisyon ko.”

Tinutukoy diumano ni PNoy ang pagka-aresto ni Nora noong 2005 sa Los Angeles airport dahil sa illegal possession of drugs.

Ayon pa sa report, ayaw ni PNoy na mabahiran ng issue ng droga ang pinakamataas na pambansang parangal ng sining at kultura. Dagdag pa ng Presidente, “yung droga, zero tolerance tayo dito. Mali all the time, ayokong magkaroon ng mensahe na minsan pwede yung illegal na droga or acceptable. It is always bad and illegal…”

Tanggap din diumano ng National Commission on Culture and the Arts at Cultural Center of the Philippines ang paliwanag ni PNoy, ngunit naninidigan sila sa artistic achievements ni Nora. Ibinunyag din ng NCCA na si Nora ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa mga nominees. Ayon din sa mga ahensiya, walang nakasaad sa guidelines na dapat of good moral character ang mga nominees.

Nakiisa kay Nora at nagpahayag ng kanilang mga saloobin ang ilan sa mga artista. Ayon kay Gary Valenciano, “kung anong ginawa niya at kung anong nakita ng lahat ng tao, that’s the deserving factor talaga.” Para kay Ai-Ai De las Alas naman, “ang pagiging basehan ng National Artist ay kung ano ang na-contribute mo na art, sa pagiging artista mo, sa buhay mo.

Ayon na sa isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Nora at batikang manunulat na si Ricky Lee, “hindi ba’t role model si Nora Aunor sa maraming Pilipino, na sa bawat pagbagsak at pagsubok ay bumabangon at nagsisikap para mas maging mabuting tao.”

Nauna nang nagpahayag si Nora ng kanyang saloobin tungkol sa issue. Sinabi niya na nasaktan siya ngunit sapat na sa kanya na naluklok siya sa puso ng masa at pinaramdam sa kanya ng mga Pilipino na artista siya ng bayan.