• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai de las Alas confirms that she is currently dating a younger man

Ai-Ai de las Alas confirms that she is currently dating a younger man

Ai-Ai de las Alas says that her children are okay with her dating again as long as she is happy.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/1/2014 8:47 AM
Ai-Ai de las Alas confirms that she is currently dating a younger man


070114-AiAi_main.jpgMuling nagbabalik sa paggawa ng comedy movie ang box-office comedy queen na si Ai-Ai de las Alas matapos ang dalawang taon. Kasama niya sina Kim Chiu at Xian Lim sa pelikulang may working title na, Past Tense. Very excited si Ai-Ai na simulan na ang pelikula. “Sabi ko nga excited ako kasi siguro naman nakikita niyo everyday iyak ako ng iyak sa telebisyon. Finally nakakatuwa, modesty aside tinatawag nila akong comedy queen pero iyak ako ng iyak. Sabi ko ako lang ata ang comedy queen na iyak ng iyak. This is home! Parang wow, may comedy film na ulit ako. Excited na excited ako.”

Hindi na rin pinalagpas ng Push.com.ph ang pagkakataong tanungin ang Comedy Box-Office Queen tungkol sa napapabalitang bagong inspirasyong nagpapatibok sa puso ng aktres. Noong una’y ayaw pang masyadong pag-usapan ni Ai-Ai ang balitang ito. “Huh? Sino na naman yan? Expired! Hindi ako inspired, expired ako. Sino naman yan? Kasyo talaga basta sa chismis ang bilis-bilis niyo naman. Hindi naman nagpapatibok pero lagi ko namang sinasabi na open pa naman ako sa dating, whatever.”

Hanggang sa umamin na rin si Ai-Ai na mayroon siyang dinedate ngayon, na muli, mas bata sa kanya. At ang dahilan ng aktres dito, “Parati namang mas bata yung nalilink sa akin kasi first yun yung binata. Kasi kapag kaedad ko na may mga asawa na yun or hiwalay, ganyan. Parati namang mas bata.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari kay Ai-Ai at sa kanyang huling nakarelasyon na si Jed Salang. Kinumpirma ng aktres na naayos na rin ang kanilang divorce noong Enero pa. “Matagal na kaming divorced, January 9 pa, 2013. Okay na, okay na, let’s all move on.”


070114-AiAi_main.jpgKaya naman sa nangyaring ito, mas naging mahigpit ba ang kanyang mga anak pagdating sa kanyang buhay pag-ibig. “Ang mga anak ko naman, ang rule ko naman kahit hindi ito nangyari sa amin, sa buhay ko noon noon pa, ‘Kung saan ka masaya Mama, kasi time mo naman ngayon, tapos na yung time mo sa amin, malalaki na kami. Napag-aral mo na kami, napalaki mo na kami ng maayos kaya sarili mo naman. Basta yun lang ang rule, basta masaya ka Mama kapag hindi na bye bye na.’”

Ibinahagi din ni Ai-Ai na getting to know each other stage pa lang sila ng nakaka-date niya ngayon. “Baka nandun sa getting to know each other na muna.” Ngunit sinabi nito na medyo matagal na rin silang nagdedate.

At kumpara dati, ngayon masasabi ni Ai-Ai na masaya siya sa estado ng kanyang buhay sa kasalukuyan. “Happy, peaceful. And career happy din. Happy lahat.”