• Home
  • Fresh Scoops
  • Krista Miller: ‘Real estate properties ang binebenta ko at hindi ang sarili ko’

Krista Miller: ‘Real estate properties ang binebenta ko at hindi ang sarili ko’

Krista Miller says she was just selling a condo unit to Ricardo Camata during her visit to the hospital.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/7/2014 12:27 PM
Krista Miller: ‘Real estate properties ang binebenta ko at hindi ang sarili ko’


060714-krista_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual, isang umiiyak na Krista Miller ang humarap sa media para pabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya. Nakunan si Krista ng isang CCTV camera na dinadalaw ang convicted drug lord na si Ricardo Camata sa Metropolitan Hospital Muntinlupa.

Ayon sa starlet, dumalaw lamang siya kay Camata para bentahan ito ng isang condo unit. “Hindi po ako masamang babae, real estate properties ang binebenta ko at hindi ang sarili ko. Naiwan kami sa loob ng room ni Mr. Camata, wala kaming ginagawang kadungisan na kahit anong makakapagpadungis sa pagkatao ko.”

Dagdag pa ni Miller, “In fact, may lumapit po noong nurse at inayos ang kanyang swero.

Wala naman daw siyang nilalabag na batas sa pagdalaw kay Camata. Spekulasyon din kung ano ang laman ng bag ni Miller nang dumalaw siya kay Camata. Ngunit ayon kay Miller, wala siyang dalang droga. “Hindi ako kinapkapan, dapat mga jail guards ang nag-initiate kung yun pala ang mga dapat nilang gawin. Wala naman po akong drugs na dala, ang dala-dala ko lang po nun yung mga brochures ng mga projects na ipe-present ko kay Mr. Camata.”

Sinabi ni DOJ Undersecretary Francisco Baraan na nakilala ni Camata si Miller ng magkaroon ng sagala sa bilibid nitong Mayo 2014.

Nauna nang naging kontrobersyal ang pangalan ni Miller nang ituro siya ni Sunshine Cruz na third party sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Cesar Montano. Ngunit katulad noon, giit ni Miller na malinis ang kanyang konsensiya. “Matino akong babae nagtatrabaho ako ng marangal, ginagawa ko lahat para maka-survive. Kung meron man ditong ayoko masaktan yun ang pamilya ko.” 

Makikipag-cooperate si Miller sa DOJ sa magiging imbestigasyon nito sa diumano’y VIP treatment sa mga inmates. Ayon kay Miller, “Willing naman talaga ako mag-cooperate dahil alam ko wala akong nilabag na batas.” Hindi na rin matutuloy ang pagbili sa kanya ni Camata ng condo unit dahil sa kontrobersiya.