• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos speaks up about Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Judy Ann Santos speaks up about Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Judy Ann Santos says that she is not in the position to confirm or deny anything that is going on between Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/7/2014 12:47 PM
Judy Ann Santos speaks up about Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli


060714-judy_main.jpgMasayang humarap sa Push at sa The Buzz si Judy Ann Santos para kumpirmahin ang second season ng kanyang hit game show na Bet On Your Baby ngayong Agosto. Aniya, “Nakaka-overwhelm at nakakataba ng puso na gusto nila ang trabaho ko at pinagdasal ko ito ng bonggang-bongga na maitawid ko itong pagsasayaw ko ng bongga sa opening. Nakakatuwa lang isipin na yung faith nila sa akin na mag-host ng isang game show hindi ko siya nakita at all sa akin. Pero sila nagbigay sila ng faith, nagtrust sila sa akin. Hindi ko sila pwedeng i-turn down at hindi pwedeng hinid ko mapatunayan sa kanila na hindi ko trinabaho ng husto ang trabahong binigay nila sa akin.” 

Hindi inakala ni Juday na siya ay magiging matagumpay na host. “Hindi ako nagexpect sa kahit na anong shows na ginawa ko na mageextend o magkakaroon ng season two. Ayoko kasi masyadong na-affect kasi nadala na ako, nadala na ako kapag masyado akong nakakapit sa shows ko, kapag masyado akong naka-connect sa shows ko nahihirapan ako mag-let go. Masyado akong emotional at narealize ko at pinag-aralan ko talaga na with whatever shows that I do I have to learn to detach myself from it automatically kasi ano ako eh, possessive akong tao sa staff, possessive akong tao sa kaibigan. Nahihirapan ako mag-let go sa isang bagay kapag kailangan ko nang i-let go. For the so many years na pinagdaanan ko yan, umiiyak ako tuwing nagla-last day of taping ako ng ganito, ng ganyan. Matanda na ako para sa mga ganyan, kailangan kong matutong mag-detach professionally sa trabaho ko. Kaya nga ang sabi trabaho lang walang personalan pero siyempre at the end of the day hindi mo naman maiiwasan na malungkot, kapag last day naman ng trabaho mo its always a happy-sad separation.”
060714-judy2_main.jpgHindi na rin maiwasang matanong ang tungkol sa kanyang Instagram posts ng mga litrato nila nilang mag-asawa kasama ang napapabalitang magkarelasyon na sina Sarah Geronimo, na alam niyang malapit niyang kaibigan, at ni Matteo Guidicelli. Ang pinakabago nga ay ang litrato nilang apat matapos panoorin ang pelikula ni Sarah na Maybe This Time. “Hindi ba normal naman yung lumabas-labas? Namamagnify lang because of Sarah and Matteo… Feeling ko lang, naging daan lang kami na ma-chismis yung dalawa, pero para sa akin normal naman na lumalabas talaga on group dates ang mga tao.”

Ngunit iginiit ni Juday na hindi manggaling sa kanya ang confirmation kung anuman ang namamagitan sa kina Sarah at Matteo. “In Sarah’s case, nandun lang yung sabik na sabik lang ang mga tao sa kung ano na bang nangyayari sa kanyang personal na buhay but then again I cannot say it in full details because it is not my job. Ayoko naman mawalan ng tiwala sa akin ang mga taong nagtitiwala sa akin when it comes to Sarah and Matteo. Kung anuman ang nangyayari sa kanilang dalawa, just let them be, hayaan natin silang mag-enjoy, huwag natin i-push masyado.

Nakiusap din si Juday na hayaan ang dalawa at huwag kulitin o ipilit dahil aniya, “Baka kasi kapag napush, mag-pull ‘di ba? Baka may mga bagay na kaka-push, kaka-pressure biglang nawalan na ng gana ang mga tao sa paligid. When it happens, it happens. Kung maging sila, eh di naging sila. Kung may mga taong lumalabas, lumalabas lang sila, it does not mean naman na magpapakasal na sila ‘di ba? Huwag natin i-judge ang paligid ng dalawang taong ito dahil matured na sila, may sarili na silang pag-iisap at naniniwala akong pareho silang masaya.” 

Watch Judy Ann Santos’s full interview on The Buzz this Sunday, 4 PM.