• Home
  • Fresh Scoops
  • JC de Vera opens up about his love life and why he remains single

JC de Vera opens up about his love life and why he remains single

JC de Vera says that lack of time is the main reason why he chooses not to be romantically involved as of the moment.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/8/2014 5:30 AM
JC de Vera opens up about his love life and why he remains single


060814-jc_main.jpgDalawa ang show ni JC de Vera na The Legal Wife sa Primetime at ang Moon of Desire sa Kapamilya Gold. Kaya naman walang bukambibig ang aktor kungdi pasasalamat sa lahat ng ito, “Like I said kanina, blessed lang ako. Sama mo na dun yung pagiging swerte. Ito naman hindi mo plinano, siguro si God meron talaga siyang right timing for everything. Siguro ito yung binigay niya sa akin na magandang timing.”

At lahat ng mga magagandang nagyayari sa kanyang karera at lahat ng kanyang tagumpay, aniya, ay iniaalay niya sa kanyang pamilya. “Lahat ito sa family ko. Lahat ito sa mom and dad ko. Ever since sila ang nag-invest ng support sa akin. Sila yung nandiyan lagi sa likuran ko kahit na anong mangyari sa akin kaya ang lahat ng ito para sa family napupunta.”

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ng aktor, aminado itong pinili niyang maging single at huwag munang pumasok sa isang relasyon. Ibinahagi niya ang rason kung bakit. “By choice siya kasi magiging unfair din naman sa girl kung pumasok ako sa isang relationship na wala akong oras talaga so gusto kapag dumating yung time na yun makapagbigay ako ng sobra-sobrang effort dun sa girl at sa ngayon masasabi ko na sa ngayon hindi ko kayang mabigay kasi yun nga wala ngang time e.”

Ngunit klinaro naman ni JC na hindi niya sinasara ang posibilidad na umibig. “Wala pa, pero looking ako, hindi ako nagsasara ng doors ko if ever na may dumating.” Sinabi din ng aktor na sa ngayon ay wala talaga siyang panahon kahit na makipag-date. “Wala, wala akong oras mag-date.”

Natanong din ang aktor kung meron man lang siyang nagugustuhan o mapupusuan man lang sa kanyang mga nakakatrabaho o nakikilala sa trabaho. “Parang wala pa kasi kapag meron akong nakikitang babae naghohold back ako kasi hindi ko talaga mabibigay yung time and effort ko pero meron akong mga babae na kapag nakita ko, ‘Wow! Ganda.’”

Pero kung may pagkakataon siyang pumili kung showbiz o non-showbiz ang kanyang gustong makarelasyon, “Hindi ako choosy pagdating sa ganung tanong, ‘di ba? Kahit sinong dumating, yun lang ang gusto kong mangyari na kahit na sinong dumating tatanggapin.” 

Ibinahagi din ni JC ang kaisa-isang nais niyang meron ang babaeng kanyang makakarelasyon kung sakali. “Kailangan maging totoong tao lang siya, yun lang.”