• Home
  • Fresh Scoops
  • Melason, binara ang isyung may babae si Jason sa Pangasinan!

Melason, binara ang isyung may babae si Jason sa Pangasinan!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

6/6/2014 1:55 PM
Melason, binara ang isyung may babae si Jason sa Pangasinan!


060614-darla.jpg
A few weeks ago, kasabay ng muling paglabas nina Jason Francisco at Melai Cantiveros on national TV through Kris TV, ay kumalat na naman ang panibagong intriga tungkol kay Jason. Ang daming nagtweet at “nagsusumbong” sa akin na spotted daw si Jason sa Pangasinan, na may kasamang babae na diumano ay other woman nito. Naganap diumano ito pagkagaling ni Jason sa General Santos City, nung time ngang nagshoot kami sa bahay nina Melai.
 
While writing this ay kausap ko pa rin ang dalawa – MELASON, na alam naman ninyong lahat ay super love ko mula pa noong nasa loob sila ng bahay ni Kuya. Kasalukuyan silang nasa GenSan ngayon, happily taking care of their Baby Mela and each other.

“Wala akong babae sa Pangasinan. May pinsan ako na babae inihatid  ko lang dun. Dianne Moraleta pangalan niya, galing kasi yung Kuwait. So nagbonding kami kasama boyfriend niya, sweet kasi kami. Baka akala ‘illegal wife’ ko yun. Kilala yun ni Melai, ang aking ‘legal wife’…” sabi ni Jason.

“Si Ate Dianne yun, yung hinatid niya sa Pangasinan. Super close sila magpipinsan kaya baka marami nag-misunderstood. At every now and then naman nagtetext ang asawa ko madam kaya panatag na legal wife ako. Char lang, walang sa kanila madam. Akin lang ang asawa ko char char lang,” ang nakakatuwang segunda mano naman ni Melai na katabi lang din ni Jason habang kausap ko silang dalawa. 

Next week ay babalik na ang mag-asawa dito sa Manila, kasama ang napaka-cute na si Baby Mela. Alam nila kung gaano na natin sila ka-miss, pero konting tiis pa. Dahil syempre hindi pa agad-agad maiiwan ni Melai ang kanilang baby, dahil nagbe-breastfeed pa siya at syempre kahit sinong nanay, maiintindihan kung hindi kaagad makakapagtrabaho ang Prinsesa ng Masa. Pero soon, mapapanood na ulit natin sila.

Melai and Jason, be happy always. Love you both, and of course pretty baby Mela.

PS : Ang official Instagram account po ni Jason at Melai ay @checkjason, please follow. Thanks!