• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin talks about her confrontation scene with Maja Salvador

Angel Locsin talks about her confrontation scene with Maja Salvador

Angel on her fight scene with Maja: ‘sinunod ko ang sinabi ni direk, pero sa pwersa wala talagang alalay’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/5/2014 9:33 AM
Angel Locsin talks about her confrontation scene with Maja Salvador


060514-angel_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye ni Angel Locsin na The Legal Wife, sinagot niya ang mga katanungan tungkol dito. Binigyang linaw din niya ang mga katanungan tungkol sa kanyang nobyo na si Luis Manzano.

Natakot daw talaga siya noong una sa role niya bilang Monica kasi wala naman siyang asawa at anak sa totoong buhay kaya baka hindi maging totoo ang pagpapakita niya ng mga eksena. Ang pinakamalapit na raw ni Angel sa pagkakaroon ng isang anak ay ang pagkakaroon niya ng aso.

At di rin siya maka-relate na may mga babaeng Monica na “niloko na ay magtitiyaga pa.” Ngunit advantage din diumano na hindi siya maka-relate ng todo sa character niya bilang Monica sapagka’t nagkakaroon ng layers ang kanyang pag-arte. Naipapakita na, “matapang ka pero deep inside nag-struggle ka.”

Sa pagawa ng eksena kung saan todo niyang sinaktan si Nicole na ginagampanan naman ni Maja Salvador, sinabi ni Angel na naiinis siya kay Maja dahil payag diumano itong masaktan at ayaw din gumamit ng “double.” “Napaka-professional talaga ni Maja.”

Sinunod diumano ni Angel ang sinabi ng kanilang mga direktor, pero “sa pwersa wala talagang alalay.” Kinausap pa sila ng production (staff) na kailangan makaganti ang mga legal wives sa pagganti ni Monica kay Nicole, kasi maraming mga asawa na hindi nakaganti sa mga naging Nicole sa buhay nila. Kwento ni Angel, “pagkatapos ng eksena ako yung mas namula kesa kay Maja dahil sa takot na baka nasaktan ko siya ng todo.

Three years nawala sa primetime si Angel kaya naman thankful siya sa ABS-CBN kasi kahit daw matagal e pinag-iispian talaga ang mga proyektong ibinibigay sa kanya. Buhos din ngayon ang endorsements ni Angel. (next page)


060514-angel_main.jpgSa relasyon naman nila ni Luis Manzano, proud si Angel sa kanyang sarili sapagka’t para sa kanya “pinakamatapang na desisyon” ang pagbalik niya kay Luis. Paliwanag ng aktres, “Alam mo yung ‘pag sobrang mahal mo yung tao, kahit hindi ka naman talaga niya sinaktan intentionally, pero dahil mahal na mahal mo yung tao parang times 100 ‘pag sa ‘yo. Tapos dahil hindi ka naman sure na magiging okay pa kayo, babalikan mo yung isang bagay na hindi ka naman sigurado na baka pagdaanan mo uli lahat ng pain na pinagdaanan mo. Back to zero ka uli, di ba parang ang tapang tapang ko lang dun.”

Mas naging maayos din ngayon ang relationship nila Angel at Luis sapagka’t  “Iba ang relationship at security namin sa isa’t isa. Kahit anong mangyari alam na namin na para kami sa isa’t isa.”

Akala rin niya nag-uusap sila noon ngunit usap lang pala iyon at hindi matatawag na communication. Ngayon diumano napag-uusapan din nila ang nakaraan nila. Maraming natutunan si Angel sa mga napagdaanan nila ni Luis. “Lahat ng pinagdaanan namin, lahat din namin kailangan yun ako ang dami kong natutunan… na hindi lang pala ako ang laging tama.”  

Pinarangalan din sila ng Yahoo bilang, “The celebrity couple that makes you most believe in love.” 

Tinanong ng host na si Kris Aquino kung magiging ninang na ba siya sa kasal ni Luis at Angel. Nag-open na diumano ng account si Kris para pag-ipunan ang regalo niya kay Luis at Angel. Ngunit paglilinaw ni Angel, hindi pa sila engaged ni Luis.