Bagets Actor, nagpakulong ng fan?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

6/4/2014 9:00 PM
Bagets Actor, nagpakulong ng fan?


060414-fan_main.jpgEwan kung paanong na-resolve ang "kasong" hindi naman dapat magiging kaso kung hindi naman pinalaki pa ng isang gwapong young actor ang isyu. Dapat sana'y dinededma na lamang niya, pero "big deal" sa kanya ang nangyari.

Ganito kasi ‘yon. Just recently ay nagkaroon ng mall show sa isang probinsiya ang young actor. At habang umaawit ay tinitilian, pinapalakpakan at para nang mga baliw ang ibang fans sa kanya mahawakan lang siya, makamayan, mangitian. Siyempre, probinsiya at talagang "fiesta" sa mga kababayan natin na may nagpupuntang artista sa kanila.

Eto na. Habang umaawit ang bagets ay merong isang 13-year old na bading ang nanggigil at nu'ng magawi sa puwesto nito sa gilid ng stage ang umaawit na bagets ay bigla nitong sinunggaban ang hita nito at super niyakap ng baklita. Nakuha pang ngumiti naman ng bagets sa kabila no'n, pero matapos ang kanyang performance ay ipinatawag daw nito ang baklita at tinalakan, pagkatapos ay ipinakulong.

'Yun ang unang version. Ang second version ay ang mga taga-roon na raw ang gumawa ng paraan at idiniteyn ang baklita sa barangay dahil sa ginawa nito. Na nu'ng makarating ito kay bagets actor ay wala man lamang itong ginawa, kung ‘di dumedma sa pagkaka-detain ng batang bading.

Ewan kung alin dito ang totoo o totoong merong naganap na ganito, pero hindi ganito ang eksaktong kuwento. Ganumpaman, hindi ko naman ito 100% pinaniniwalaan, dahil alam n'yo naman ang kuwento, pasalin-salin kung minsan. Pero KUNG SAKALI na ito man ay totoo as in "dumedma" lang ang bagets at hindi man lang siya nag-exert ng effort para sabihan ang mga dumampot sa bata na ito'y pawalan na, dahil normal lang naman ang gano'ng senaryo sa mga mall shows.

Madalas nga'y bumabaon pa ang kurot ng mga fans o kaya ay nababatukan pa ang artista. Ang nakakalokah ay kung walang nagkakagulo sa kanya eh me pangalan siyang artista, eh. Baka nga ang nanay nito ay nag-alala sa anak nito o kung may mga kapatid itong hinahangaan din siya ay gumuho naman ang paghanga sa kanya, dahil lang sa nangyari.

Kaya wish lang namin na sana'y ma-realize ito ng Bagets Actor o sana nga, hindi ang kuwentong ito ang totoong naganap. Kayo, me kuwento ba kayo tungkol sa kanya?