• Home
  • Fresh Scoops
  • JC De Vera admits he can be intimate with someone without commitment

JC De Vera admits he can be intimate with someone without commitment

JC De Vera clarifies what he means by his controversial statement

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/3/2014 10:46 AM
JC De Vera admits he can be intimate with someone without commitment


060314-jc_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, tinanong ang aktor na si JC De Vera tungkol sa kanyang kontrobersyal na pahayag. Sinabi diumano ni JC na wala man siyang love life, “hindi naman nawawalan, kasi ang mga lalaki nakakahanap naman ng paraan.”

Nilinaw ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung ang ibig bang sabihin ng pahayag ni JC ay pagiging intimate sa isang babae kahit wala silang “love relationship.” Tumango si JC bilang kasagutan. Sa tingin daw ni JC normal lamang ito. “Ganun ang mga lalaki,” ani JC. Sang-ayon din siya na “consensual at protected” ang ganitong klase ng intimacy.

Hanggang saan naman kaya ang gagawin ni JC para sa kanyang character sa teleserye na Moon of Desire? Sagot ng aktor, “depende kung saan dadalhin ng story, as long as hinihingi siya ng character.” Sa usapin naman ng frontal nudity ay, “hindi pa ngayon, but I’m not closing my doors.” 

Tinanong din siya ng host na si Boy Abunda kung paano siya nakikipagsabayan sa powerful cast ng The Legal Wife kung saan ginagampanan niya ang character ni Max. Ayon kay JC, inspirasyon niya sila Jericho Rosales, Maja Salavador at Angel Locsin kasi, “kapag ‘di ko sila sinabayan, malalaglag din ako.” 

Mayroon din upcoming na pelikula si JC na pinamagatang Once A Princess sa direksyon ni Laurice Guillen. Asawa siya ni Erich Gonzales sa pelikulang ito.

Sa tingin din niya nagbibiro lang si Ellen Adarna, co-star ni JC sa Moon of Desire, nang sabihin nito na willing siyang iwan ang boyfriend para kay JC. Ayon pa kay JC, “napakabait ng boyfriend ni Ellen.”