At nang agad na natanong kung sa palagay niya sino ang may pakana sa pagkalat ng balitang ito, “Siyempre kalaban, pero alam mo ayaw ko na lang mag name ng names. Pinapahaba lang nila yung buhay ko, bahala na ang Diyos sa kanila kasi may karma naman eh. Saka sabi nila kapag sinasabi daw na ganun mas humahaba daw ang buhay. Basta ako ngayon gusto ko positive lang lahat, ayaw ko ng negative kasi my kids are so good and they are good kids talaga at nakakahiya talaga to be miserable, depressed around them so I am trying my best to be the best mom.”
Mainit ang usapan ngayon tungkol sa naging palitan ng tweets ng kanyang pamangkin kay Marjorie Barretto na si Dani Barretto at ng kanyang abugado na si Atty. Ferdinand Topacio. Kaya naman nang matanong si Claudine tungkol dito, “Daniella drew first blood. She started hitting on me and siyempre dapat kapag bata ka hindi ka ganyan, hindi ka bastos di ba? Hindi maganda yung ganun lalo pa at sabi niya hindi daw ako ang nagpalaki sa kanya eh di hindi. Pero alam niya na masasakit ang mga binitawan niyang salita at parang binalewala niya lang lahat ng efforts ko at parang nagka-amnesia lang siya, parang ganun. And nasasaktan din naman ako kapag tinitira siya pero alam mo hindi na rin siya bata. I think kailangan din na, kailangan na matuto din siya.”
At nanindigan si Claudine na wala siyang kinalaman sa nangyaring bangayan sa pagitan ni Dani at ng kanyang abugado. “No, hindi ko inuutusan si Atty. Topacio, I do not do that to anybody. Wala ako ginagawang ganun sa tao na naguutos ako or nagbabayad kagaya nila para manira ng buhay ng may buhay o manira ng pangalan ng tao. Yung mga sumusuporta po sa akin nagpapasalamat ako dahil sumusuporta lang talaga sila. Hindi kagaya nila na kailangan pa nila ng trolls para lang sirain ako at lagi kong sinasabi na hindi na papayag ang Diyos kasi masayado nang masama eh.”