• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina Villarroel speaks up on tax evasion issue of husband Zoren Legaspi

Carmina Villarroel speaks up on tax evasion issue of husband Zoren Legaspi

Carmina Villarroel admits that she and husband Zoren Legaspi were surprised about the BIR issue but said that they are willing to settle matters.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/3/2014 10:51 AM
Carmina Villarroel speaks up on tax evasion issue of husband Zoren Legaspi


060314-carmina_main.jpgNakapanayam ng Push si Carmina Villarroel sa kanyang taping para sa isa sa mga special segment ng Jeepney TV na ipapalabas sa July, kung saan nagbalik tanaw si Carmina mula sa kanyang pagsisimula sa show business hanggang sa kasalukuyan. “Super sarap ang magreminisce at ngayon ko lang narealize na ‘My gosh, ang tagal ko na pala talaga sa ABS,’ pero habang nire-recall ko lang, ang saya.” Sabi pa ni Carmina, “At yes, tandang-tanda ko pa silang lahat, yung mga pangalan ko, characters. Kasi siyempre tumatak talaga at very memorable talaga sa akin. Masaya lang.”

Ngayon ay nahaharap sa isang kontrobersiya ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi. Maliban sa mga balitang lumalabas na may kakulangan sa pagbayad ng buwis ang asawa na iniimbistgahan na ngayon ng BIR, kamakailan ay ibinalitang apat ang ginagamit na TIN o tax identification number ng kanyang asawa na ayon sa batas ay hindi nararapat. At nang hingan ng Push ng reaksiyon si Carmina tungkol sa bagong balitang lumabas, “I can’t react. Hindi siguro kasi sa ngayon, kung naguguluhan din yung mga tao mas naguguluihan kami. So… the only thing that I can say now basta Zoren and I uses only 1 TIN [each], yun lang talaga. Yung ibang naririnig ko parang ‘Huh, how can you use like 4 or 5 or multiple TINs?’ Sandali lang po, wait a minute lang po, yun lang naman ang gusto kong i-clear but other than that I can’t really go into details because after this I have to meet our lawyers and explain what is going to happen and to think na sa June 6 meron si Zoren with the DOJ so mas maganda siya na lang. I don’t know what’s going to happen.” 


At aminado sina Carmina at ang kanyang pamilya na nagulat sila sa lumabas na balita. “Lahat tayo nagulat. Kung gaano kayo nagulat ganun din kami. Para lang makita ng mga tao na hindi ito sadya o hindi ito plinano, hindi talaga namin ito gawain. No, we are not like that, hindi kami masasamang tao. We pay our taxes and katulad ng sinabi namin, kung meron naman kasing problema, kung merong kumbaga shortcomings sa side ko o sa side ni Zoren we are willing naman to comply. Kumbaga magco-cooperate naman kami pero with what’s happening now, ano kami, ‘Huh? Paano nangyari yun? Wait a minute, wait!’ Bigyan lang kami ng time to fix things and alamin talaga what is happening.”

Aminado na may pagtataka at pagtatanong pagdating sa kanilang mga anak ngunit ayon kay Carmina hindi naman apektado ang mga bata sa mga lumalabas na balita. “No, kasi alam nila na we are also clueless. Of course nalulungkot sila na, ‘Why is this happening to you, Tatay? Why are they like that?’ Of course they don’t understand we have tell them na its okay as long as we are not guilty, as long as wala kaming tinatakbuhan we are fine, ang importante nakakatulog ka sa gabi. Hindi lang kami sanay na may mga lumalabas na, ‘Ano ito?’ Kasi iba yung kapag alam mo na meron kang ginagawang mali, alam mo. E yung wala ka talagang alam? Kaya nga sinasabi ko kung ano yung reaction niyo yun din yung reaction namin.”

At nang tanungin din ang kalagayan ng kanyang asawa ni Zoren, “Okay naman, okay naman. Ganun din clueless nga kami pareho. Pero gusto talaga naming maayos ito kasi ayaw naming ng may problema, ayaw naming ng may gulo, ayaw namin ng may kaaway. Kilala niyo naman kami na napakababait naming mga tao. Like I said, kung meron man kaming pagkukulang we are willing to pay, we are willing to fix anything. Wala kaming tinakbuhan at wala kaming tatakbuhan in the future.”