• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim reacts to Kim Chiu-Gerald Anderson commercial reunion

Xian Lim reacts to Kim Chiu-Gerald Anderson commercial reunion

Xian Lim is cool with Kim Chiu being reunited with former love team partner Gerald Anderson because it is just work and nothing else.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/29/2014 7:30 AM
Xian Lim reacts to Kim Chiu-Gerald Anderson commercial reunion


062814-KimXian_main.jpgMuling magsasama sa isang pelikula sina Kim Chiu at Xian Lim. Matapos ang kanilang matagumpay na pelikulang Bride For Rent, ngayon naman kasama na si Ai-Ai de las Alas, nagbabalik ang kanilang tambalan para sa isang romantic comedy na may working title na Past Tense. Excited ang dalawa sa kanilang bagong project. Ayon kay Xian, “We are very excited kasi ang tagal din naming [hindi nagsama], last yung Bride for Rent at ito na. [I] can’t wait to share it with them.”

Inamin din ni Xian na na-miss nila ang isa’t isa. “Siyempre. Nakakamiss yung rhythm kasi coming form an everyday basis na taping-shooting tapos finally ito na nga yun so I can’t wait for people to see dahil kakaiba nga talaga.” Aminado din si Kim na na-miss niya ang ka-love team. “Oo, nakaka-excite and yun nakakamiss din yung bonding namin together and magsasama ulit kami kasi kilala namin ang isa’t isa.”

Ngunit sinabi nina Kim at Xian na kahit hindi sila nagkakasama noon ay patuloy pa rin ang kanilang naging komunikasyon. Ayon kay Kim, “Oo naman, nandiyan pa rin naman kami para sa isa’t isa.” 

Siniguro din na Kim na mas marami panahon sila ni Xian para makapagcatch-up sa mga panahong hindi sila nagkasama. “Yes, mas maraming bonding at excited kami sa mga taong sumusuporta sa aming dalawa.” 

Kamakailan ay nagkasama sa isang commercial si Kim at ang dating kalove team na si Gerald Anderson. Nang tanungin kung ano ang reaksiyon ni Xian dito, “Wala naman, we are all here working, it’s nothing.” Natanong din si Xian sa kanyang reaksiyon patungkol sa pagiging solid pa rin ng mga fans ni Kim at Gerald na Kimerald at ayon sa kanya, “They have been there at nagkaroon din ng Kim-Xian, meron si Kim na sarili niya at meron din ako, sarili namin. There is really no—para sa akin—no competition involved. We are just having fun, para sa akin we are just here to make people happy, we are just here to make everything work.”