Mahusay na aktres may malalang karamdaman?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

6/28/2014 4:56 PM
Mahusay na aktres may malalang karamdaman?


062814-ogie.jpgBukod sa pagiging napakahusay na aktres, literal na nananalaytay din pala sa dugo nito ang sakit na hindi na niya ipinagmamaka-ingay pa-- ang emphysema. 

Ayon sa source ko, "Ayaw na niyang ipaalam kahit kanino ang sitwasyon niya. Stage 4 na na ang kanyang COPD. Maaagapan naman sana 'yon, eh. Kaso, 'yung pang-maintenance niya, hindi niya iniinom. And one time, ifinlush pa talaga niya sa toilet bowl." 

Inilihim lang ng production staff ng network na kanyang ginagawan ng ilang teleserye, pero madalas daw itong isugod sa ER dahil kinakapos daw lagi sa paghinga, naninikip ang dibdib at parang hinihika, kaya madalas ding ma-pack up ang taping or shooting. 

Ayon sa aking nabasa sa Wikipedia, ang COPD pala o Chronic Obstructive Pulmonary Disease ay isang klase ng obstructive lung disease na karaniwang nakukuha sa paninigarilyo. Karaniwang sintomas daw nito ang hirap na paghinga at ubo na kadalasan ay lumalala habang tumatagal. 

Samakatuwid, due to excessive smoking kung bakit may COPD stage 4 ngayon ang kontrobersiyal na aktres na ang katwiran nito sa mga taong nagmamalasakit sa kanya at nag-aalala, "Kung mamamatay ako, eh di mamamatay. Lahat naman tayo, mamamatay!"

Siyempre, baluktot ang gano'ng katwiran, pero matigas daw talaga ang ulo ng aktres. Bukod pa sa paninigarilyo ay bugbog na rin sa alkohol ang sistema ng kanyang katawan. Tingnan mo nga naman 'yan, ano? Napakaraming nagmamahal sa kanya, pero tila hindi niya masyadong mahal ang kanyang sarili at ang kanyang kalusugan, kung totoo ang naikuwento sa akin ng isang taong nagmamahal sa kanya.

Honestly, nalulungkot naman kami for her. Sana nga ay magkaroon ng milagro at isang araw ay mabalitaan na lang nating wala na ang kanyang sakit o natakot na 
siyang baka siya'y mamatay, kaya alagang-alaga na niya ngayon ang kanyang sarili.