• Home
  • Fresh Scoops
  • Jhong Hilario reveals being in a relationship with a girl 15 years his junior

Jhong Hilario reveals being in a relationship with a girl 15 years his junior

The actor also admits he almost left the country to live in England.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/27/2014 11:30 AM
Jhong Hilario reveals being in a relationship with a girl 15 years his junior


062714-jhong1_main.jpgSa Tapatan ni Tunying kahapon, inamin ng aktor na si Jhong Hilario na mayroon siyang girlfriend na mas bata sa kanya ng 15 years. 

Sinabi din ni Jhong, na mag-38 anyos na sa August, di naging madali ang kanilang pag-iibigan, pero pinatunayan niya sa magulang ng kanyang girlfriend na si Maiya na malinis ang kanyang intensyon sa kanilang anak. 

“Ito kasi yung babaeng ipinaglaban ko talaga kahit sinabing hiwalayan na. Mali ko lang din kasi nagaaral pero nung nalaman nung family na ako yung boyfriend, and siyempre dumaan sa masusing pagiimbistiga yan, kung ako ba yung Gary sa Mara Clara, pero na prove ko naman sa kanila na malinis ang intensyon ko,” paliwanang ni Jhong kay Anthony Taberna. 

Nailahad din ni Jhong na di nagwork out ang relasyon niya sa dating asawa na si Michelle Westgate na isang Bristish citizen. Nagkakilala si Jhong at Michelle sa procuction ng Miss Saigon, kung saan nagtrabaho si Jhong bilang dancer at dresser naman si Michelle.  Nagpakasal sila noong 2005 pero matapos ang 7 taon ay naghiwalay din ang dalawa. 

“Mahirap din kasi yung long-distance. ‘Di mo makita kung compatible ba kayo sa isa’t isa. Nalaman ko din sa kanya na ayaw niya dito. ‘Di ko din makita ang future ko doon sa England. Ano ang magiging trabaho ko doon. That time nakapasok na ako sa Showtime. Bumalik na yung career ko. Naisip ko yung iiwan kong pamilya.  Di ko alam kung paano ko sila iiwan,” kwento pa ni Jhong. 

Wala naman daw regrets si Jhong sa relasyon at  marami din siyang natutunan sa pagsasama nila ni Michelle. “Nasa tamang edad na ako nun sinabi kong magpapakasal ako. Pero natutunan ko din naman na hindi porket kasal kayo, eh magiging kayo na forever.”