Angel, Zsa Zsa at Georcelle, mentors ng mga bata

Promil Pre-School i-Shine 3 Talent Camp, ngayong Hunyo na!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

6/27/2014 10:59 AM
Angel, Zsa Zsa at Georcelle, mentors ng mga bata


062714-darla.jpgMuling nagbabalik ang Promil Pre-School i-Shine Talent Camp para ihatid ang isang mas malaki at mas mahusay na bersyon nito sa  pangatlong season na hatid ng Wyeth Nutrition at ABS-CBN. Mula sa mga studio, ngayon ay dadalhin na ang mga matatalinong batang kalahok ng show sa mga institusyong kilala sa larangan ng pagkanta, pagsayaw, at pag-arte upang lalong palawakin ito. 

Higit na sa 25 taon ang pagsuporta ng Promil Pre-School sa tamang pagpapalaki sa mga batang Pinoy at pagpapayaman sa kanilang mga talento sa tulong ng kanilang mga magulang, tamang nutrisyon at tamang pag-aalaga. Ito din ang nais gawin ng i-Shine Talent Camp.  Bukod sa mga workshop, naniniwala ito na malaki bahagi ng impluwensiya at suporta ng mga magulang sa patuloy na pagpapayabong ng talino ng mga bata. 


Ang mga mentor para sa season na ito ay sina Georcelle Dapat-Sy na artistic director ng G-Force, Zsa Zsa Padilla na multi-platinum artist at music icon ng bansa, at ang critically-acclaimed na aktres na si Angel Locsin. Sila ang magbibigay ng patnubay sa mga preschoolers para maabot ang kanilang ganap na potensyal habang ibinibahagi ang kani-kanilang karanasan sa napiling larangan. 

Nagbabalik naman bilang hosts ng Promil Pre-School i-Shine 3 Talent Camp sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli, at Xian Lim. 
Sa taong ito, binigyan din ang audience ng pagkakataong bumoto para sa kanilang paboritong i-Shiner sa Wildcard voting. Isang shortlist ng 30 finalists ang nabuo mula dito na naibunyag sa Promil Pre-School i-Shine Talent Camp microsite. Nakapagboto ang audience gamit ang online voting sa tatlong kategorya--singing, dancing, at acting. Ang tatlong mga finalist sa bawat category na may pinakamaraming boto ang sasama sa 9 na finalist na pipiliin ng Wyeth Philippines at ng ABS-CBN para mabuo ang top 12 na i-Shiners. 

Ang top 12 i-Shiners ay dadalhin sa iba't ibang mga institusyon para sa mga workshop. Ang Grand Finale ay magiging isang grand performance mula sa mga i-Shiners sa tulong ng kanilang mga nanay at mga mentor. Hatid din ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp ang premyong Php 1 million at kontrata mula sa ABS-CBN at Promil Pre-School para sa Grand i-Shiner na makakatanggap ng pinakamataas na score. 

Magmula nang manalo ang mga nakaraang Promil Pre-School Grand i-Shiners tulad nina Lukas Enrique Magallano (2012) at Yesha Camille (2013) ay napanood na sila sa telebisyon at napapansin sa kanilang galing sa pagkanta at pag-arte. Si Lukas ay napanood na sa ASAP, Little Champ, at Muling Buksan ang Puso. Si Yesha naman ay kasalukuyang kasama sa shooting ng isang bagong teleserye kasama ang kanyang i-Shine mentor na si Piolo Pascual. Patuloy ang paghahasa sa mga batang sina Lukas at Yesha sa tulong ng i-Shine Talent Camp. 

Sa press launch kung saan nag-host si Marie Lozano, ang mga guest ay natuwa sa isang performance mula sa Season 2 Top i-Shiner for Dancing si JM Andres. 

Magsisimula na ang Promil Pre-School i-Shine 3 Talent Camp sa June 28, Sabado, pagkatapos ng Sponge Bob Square Pants sa ABS-CBN.