• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin on being Darna once again: ‘Emotional naman ako kasi dito ako nakilala ng mga tao’

Angel Locsin on being Darna once again: ‘Emotional naman ako kasi dito ako nakilala ng mga tao’

Angel Locsin says she doesn’t mind if this will be her last movie before getting married to Luis Manzano.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/27/2014 9:28 PM
Angel Locsin on being Darna once again: ‘Emotional naman ako kasi dito ako nakilala ng mga tao’


Kumpirmadong si Angel Locsin ang muling gaganap sa sikat na karakter ni Mars Ravelo na si Darna, ngayon naman sa isang engrandeng pelikula sa ilalim ng Star Cinema. At dito, naging emosyonal si Angel na siya ang muling napili bilang opisyal na gaganap sa isa sa pinakasikat na Pinoy Superhero. “Yes pwede ko nang sabihin na official na nasa akin na ulit ang bato. I am very excited, ang laki ng respeto ko kay Darna. Iningatan ko si Darna nung ginagawa ko pa lang siya pero ngayong hindi ko na siya ginagawa isinasapuso ko na ang Darna at nagpapasalamat din ako siyempre sa pamilya ng Ravelo for trusting me again at lalo na sa pinakamamahal ko na Star Cinema at ABS-CBN, maraming maraming salamat kasi hindi ko talaga akalain na magbabalik,” maluha-luhang sabi ni Angel. 

 

Tinatanaw din ni Angel na isang malaking utang na loob ang pagganap niya bilang Darna dahil ayon sa kanya, ito ang naging simula ng magagandang bagay na nangyari sa kanya lalo na sa kanyang karera. “Emotional naman ako pero maramang salamat kasi ang laking part ng career ko nito. Parang pasasalamat na din ito sa mga tao, dahil dito nag-boom yung career ko, dito ako nakilala ng mga tao, nagkaroon ako ng mgandang trabaho at nabubuhay ko ng kumportable ang pamilya ko so pasalamat ko talaga ito sa kanila.”

 

Sinisiguro din ni Angel na maraming bago at mga bigating eksena na gagawin si Darna na hindi pa niya naggawa at hindi pa napanood sa kahit na anong pelikulang ginawa. “Napakaganda nun para sa atin kasi may bago tayong ipapakita, mga bagong talent na ipapakita natin na ipagmamalaki natin sa buong mundo, na ipapakita natin sa buong mundo kasi sinsasabi nila kapag fanstasy movie parang medyo nahihirapan tayo dahil sa budget saka sa effects pero dito all in talaga, ibibigay namin sa iyno ang lahat.”  (continued on next page)

 

 

Pagdating naman sa paggawa ng Darna sa telebisyon kung siya pa rin ang gaganap, ito ang hindi pa mabigyan ng eksaktong sagot ni Angel kung siya pa rin. Aniya, “Naku hindi pa namin yan napag-uusapan saka ito pa nga lang ang laking bagay na sa akin nito. Actually ito muna ang ginusto ko pelikula muna kasi hindi ko pa nagagawa kasi naggawa ko na yung sa TV, sa movie hindi pa eh. Gutso ko rin may maitagong DVD para remembrance ko kapag pagtanda ko. And who knows, kung anong magiging resulta, kung anong mangyayari.”

 

Ngunit kung sakaling hindi man siya ang mapili gumanap sa TV version, ayon kay Angel, nabigyan na siya ng pagkakataon noon kaya para sa kanya, walang kaso kung sa iba mapunta ang TV version nito. “Kung ibibigay njila sa mas younger generation okay lang naman sa akin kasi nabigyan na ako ng chance at itong movie pa lang, kung magmamadamot pa ako sa ibang tao ang sama-sama ko na kasi ang laking blessing na nito. Kung ibibigay sa akin, ‘Thank you so much’, kung hindi, magiging happy ako kung kanino man,” sabi pa ng aktres.

 

Malakas na ang mga ugong-ugong at usap-usapan na malapit na silang ikasal ni Luis Manzano. Nakatakdang ipalabas ang pelikulang ito sa susunod na taon, kaya naman kung ito na ba ang huli niyang pelikula bago siya maging Mrs. Manzano, “Wala na akong mahihiling pagkatapos nito, parang ano kasi, ang laki kasi. Sobrang laki niya talaga kasi sobrang kuntento ako sa nangyari at sobra-sobra pa nga at kung mangyari yun sobrang blessed na kung mangyayari yun pero gagalingan ko pa yung panliligaw kasi sabi niya manligaw daw ako sa kanya.”