• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual talks about son Iñigo’s inevitable path to showbiz

Piolo Pascual talks about son Iñigo’s inevitable path to showbiz

Piolo Pascual wants son Iñigo to at least finish high school before trying out showbiz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/26/2014 11:34 AM
Piolo Pascual talks about son Iñigo’s inevitable path to showbiz


062614-piolo_main.jpgSa naganap na PINASmile event para sa mga ABS-CBN Mobile subscribers sa Mall of Asia Arena noong Linggo, June 22, nakausap ng Push si Piolo Pascual. Sinabi ng actor na isa sa mga nagpapa-excite sa kanya sa pinakabago niyang teleserye na Hawak Kamay ang kanyang mga makakatrabaho. “Of course first of all I am working with four kids and these are child superstars. Working with Iza (Calzado), working with Nikki (Gil), it’s different because it’s a family thing.”

Ang pagtalakay sa pamilya ng kanyang pinakabagong teleserye ang isa sa dahilan kaya excited si Piolo na mapanood ito ng mga kapamilya. “Usually love triangle, love story pero this tackles more on the family side. Filipinos are very family-oriented so I believe maraming makakarelate na mga kapamilya because mahilig tayo sa pamilya. We love our family first above many things so para sa mga Pilipino talaga ito.”

Sa dinami-rami na ng naging tagumpay ni Piolo pagdating sa paggawa ng teleserye, aminado siya na hindi pa rin nawawala ang pressure. “Hindi naman mawawala yung pressure eh, you have to live with it and I am just thankful. I just have to focus on the fact that I am given work to do and it’s a blessing, I count it as a blessing so from there you just give it your best and take things one day at a time.”

Ngunit kahit abala si Piolo sa trabaho, sinisiguro niyang nakakapaglaan siya ng panahon sa kanyang personal na buhay lalo pa at nandito ngayon sa Pilipinas ang kanyang anak na si Iñigo dahil bakasyon ito sa kanyang klase sa US. “Yeah we have been bonding everyday, magkasama kami. Banyo lang kami nagkakahiwalay, parang ko siyang anino, paggising, pagtulog magkasama kami. It’s a fun time to be with him. Every summer ko lang siya nakakasama ng matagal dito kaya I really cherish it.”


062614-piolo_main.jpgNabanggit na ni Piolo noon sa Push ang pag-audition at pagsali ni Iñigo sa isang Christian boy band sa US. Hindi pa man din maaring magbigay pa ng update sa nangyari, positibo naman ang naging tugon ni Piolo ditto. “I think I am not allowed to talk about it hangga’t hindi pa ayos yung kontrata. Yeah, I think he has got something else in the States when he gets back.”

Noon pa man, bukas si Piolo sa kanyang mga panayam na kung maari ay ayaw niyang sumabak sa show business ang anak dahil nais niya itong protektahan at mas pagtuunan ng atensyon ang kanyang pag-aaral. Ngunit ngayon, mas tanggap na ni Piolo na hindi na talaga maiiwasan ang nais ng anak na sundan ang kanyang mga yapak. Isa na nga ang pagsali ni Iñigo sa isang boy band.

“Inevitable naman yun eh. I just asked him to give me a high school diploma, kung makatungtung siya ng college, I will be the happiest dad. Pero siyempre iba pa rin kapag may edukasyon ka sa utak, may laman yung utak mo. Yun ang deal namin. At 18, ikaw na ang magdecide para sa sarili mo pero sabi ko just give me your high school diploma.”