Ang pagtalakay sa pamilya ng kanyang pinakabagong teleserye ang isa sa dahilan kaya excited si Piolo na mapanood ito ng mga kapamilya. “Usually love triangle, love story pero this tackles more on the family side. Filipinos are very family-oriented so I believe maraming makakarelate na mga kapamilya because mahilig tayo sa pamilya. We love our family first above many things so para sa mga Pilipino talaga ito.”
Sa dinami-rami na ng naging tagumpay ni Piolo pagdating sa paggawa ng teleserye, aminado siya na hindi pa rin nawawala ang pressure. “Hindi naman mawawala yung pressure eh, you have to live with it and I am just thankful. I just have to focus on the fact that I am given work to do and it’s a blessing, I count it as a blessing so from there you just give it your best and take things one day at a time.”
Ngunit kahit abala si Piolo sa trabaho, sinisiguro niyang nakakapaglaan siya ng panahon sa kanyang personal na buhay lalo pa at nandito ngayon sa Pilipinas ang kanyang anak na si Iñigo dahil bakasyon ito sa kanyang klase sa US. “Yeah we have been bonding everyday, magkasama kami. Banyo lang kami nagkakahiwalay, parang ko siyang anino, paggising, pagtulog magkasama kami. It’s a fun time to be with him. Every summer ko lang siya nakakasama ng matagal dito kaya I really cherish it.”
Noon pa man, bukas si Piolo sa kanyang mga panayam na kung maari ay ayaw niyang sumabak sa show business ang anak dahil nais niya itong protektahan at mas pagtuunan ng atensyon ang kanyang pag-aaral. Ngunit ngayon, mas tanggap na ni Piolo na hindi na talaga maiiwasan ang nais ng anak na sundan ang kanyang mga yapak. Isa na nga ang pagsali ni Iñigo sa isang boy band.
“Inevitable naman yun eh. I just asked him to give me a high school diploma, kung makatungtung siya ng college, I will be the happiest dad. Pero siyempre iba pa rin kapag may edukasyon ka sa utak, may laman yung utak mo. Yun ang deal namin. At 18, ikaw na ang magdecide para sa sarili mo pero sabi ko just give me your high school diploma.”