• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says she would have wanted a ‘no comment’ answer from a certain person

Kris Aquino says she would have wanted a ‘no comment’ answer from a certain person

Kris Aquino is still angry at the person who should have said ‘no comment,’ says she wants an apology

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/26/2014 11:10 AM
Kris Aquino says she would have wanted a ‘no comment’ answer from a certain person


062614-kris_main.jpgSa June 24 episode ng Pinoy Big Brother All In, pinagharap ni Kuya si Jane Oineza at Kathryn Bernardo para mapag-usapan ang “no comment” na sagot ni Jane nang tanungin siya ng mga girl housemates kung nagpa-retoke si Kathryn. Tinanggap ni Kathryn ang sorry ni Jane at pinayuhan ito na sa sunod ‘wag nang sabihin ang “no comment,” dahil yes ang dating nito o kaya sabihin na lang na no, dahil hindi naman daw talaga siya retokado.

Sa Aquino and Abunda Tonight naman, napag-usapan ng mga hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino ang tungkol sa pagpapa-retoke at ang kanilang opinion sa “no comment” bilang kasagutan.

Sinabi ni Boy na ang ganda ni Kathryn ay “coming from the inside” at si Kris naman masarap daw tingnan ang mukha ni Kathryn. 

Ngunit bakit nga ba kabawasan pa rin hangagng ngayon ang pagpapa-retoke? Ayon sa dalawa, wala namang masama sa pagpapa-retoke ngunit meron daw itong “binabagayan at meron ding over.” Kailangan lang daw pumunta sa isang reputable doctor na magsasabi sa ‘yo kung ano lang ang tama sayo at kung ano ang sobra na. Ayon pa kay Boy, “it’s not just about the money, it can be addictive.” 

Agree naman si Boy na ang “no comment” na sagot ay may ibang ibig sabihin. Katulad raw sa mga tanong na “Is she beautiful?” at “Is she still a virgin?” Nilinaw naman ni Boy na ang kanyang opinyon “has nothing to do with Jane.”

Todo react naman si Kris na nagsabing, “No Boy, it goes both ways!” “Sa totoo lang ha, merong nagpa-interview several weeks ago tungkol sa akin. I won’t name names, you know who, and how I wish he had just said no comment.”

Pagpapatuloy pa ni Kris, sana sinabi na lang na “no comment, kasi nanahimik naman si Kris so mananahimik na lang rin ako.” Aminado rin si Kris na, “Tama po hindi pa po talaga nakaka-move on, may galit pa ng konti, may galit pa e.” 

Pagpapaliwanag ni Kris, “I’ve been waiting for a personal sorry. Sinabi ko kasi sa kanya hiniya mo naman ako sa buong publiko. Sana naman kahit tayong dalawa lang na magkaharap, sana nag-sorry ka sa akin.”

Iginiit naman ni Boy na iba pa rin ang ibig sabihin ng “no comment” na sagot, sa mga questions na “answerable by yes or no.”