Dina Bonnevie details her husband’s marriage proposal

Dina Bonnevie shows the three rings given by her husband and recounts his marriage proposal to her

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/25/2014 12:42 PM
Dina Bonnevie details her husband’s marriage proposal


062514-dinna_main.jpgAno nga ba ang nararamdaman ni Dina Bonnevie sa tuwing natatanong siya tungkol sa dating asawa na si Vic Sotto, kahit Mrs. Deogracias Victor Savellano na siya? Sinagot ito ng Sana Bukas pa nga Kahapon actress sa kanyang pagbisita sa Aquino and Abunda Tonight.

Inamin ni Dina na bothered siya in a way dahil “naka-move on na ako, pero hindi pa rin maka-move on ang mga tao.” Ngunit naiintindihan naman diumano niya ito kasi, “I’m still the mother of his children, gano’n talaga e.”

Alam din naman daw ng kanyang asawa na si Ilocos Sur Vice-Governor Savellano na “it comes with the territory.” Ayon pa kay Dina, nasanay na rin ang kanyang asawa na kung dati siya lang ang kilala sa Ilocos “ngayon dalawa na kaming binabati.”

Nang purihin ng host na si Kris Aquino ang magandang singsing na suot ni Dina, ipinakita ni Dina ang mga singsing na bigay ng kanyang asawa: ang engagement ring na isang eternity ring, ang “I love you” ring, at ang wedding ring.

Masaya niyang ikinuwento ang proposal sa kanya ni Vice-Gov. Savellano. Ayon kay Dina, nangyari ang proposal noong Valentine’s Day 2012. Hinatid siya nito sa Subic para sa last day ng kanyang teleserye sa ibang network. Nilinaw ni Dina na sa separate cottage nag-stay si Vice-Gov. Savellano habang nasa Subic sila. Nang punahin ni Kris na “how wholsesome,” agad namang sagot si Dina na, “e siyempre, ‘di pwede! Bawal, magagalit ang church.” Dagdag pa nito, “siyempre, respetado, ‘di ba?”

Nang pauwi na raw sila, sinabi ni Vice-Gov. Savellano na may dadaanan lang siyang rice wine o tapoy sa family home nito na ibibigay nito sa daddy ni Dina. Ngunit nang bumalik ito sa kotse isang eternity ring ang inabot nito kay Dina, na akala pa ni Dina noong una ay isang tansan.

Nang tanungin ni Dina kung ano yun, paliwanag ng kanyang esposo na noon ay nobyo pa lang niya, “wala lang. Tinatanong mo ako, sabi mo sa akin you don’t want to get hurt anymore. Ayaw mo nang lokohin ka ng guy, so kung tinatanong mo ako kung ano ang gagawin ko, yan ang sagot ko na I am going to love you forever until eternity.”

Reaction naman ni Dina ay, “A yun ba? Okay.” Hindi nakuntento si Vice-Gov. Savellano sa sagot ni Dina. Muli siyang tinanong nito kung anong sagot niya. Sabi naman ni Dina, “Bakit may question ba?”

Balik naman sa kanya ni Vice-Gov. Savellano, “Uulitin ko ha. I am going to love you forever until eternity. I want to marry you. Do you want to marry me?” Sa pagkagulat at labis na saya ay paulit-ulit namang nasabi ni Dina ang “No!”

Kaya naman agad na tanong sa kanya ni Vice-Gov. Savellano if her answer is “No.” Sagot naman ni Dina, “No, I mean, todo na ‘to!” 

Ibinahagi rin ni Dina ang kanyang most important lesson in love. Aniya, “To always listen to your heart but to also listen to your head. Kasi when your heart speaks your head listens.” Paliwanag niya, “Your heart is telling you something, but your mind is telling you something, too. Sometimes you’ll tell yourself ‘Go and let go,’ but sometimes it’s not always right to let go. Lalo na kung mali.”

Dapat daw, “My heart says go, but my head says go also. Kasi merong mga nai-in-love pero sa mga maling tao—may asawa o may sabit. When your heart says go, listen to your mind (also). Your mind and your heart have to say ‘go.’ Kung puro heart lang, hindi pwede. Dapat isipin mo, will it be good for everyone concerned. Like when I got married, (inisip ko) will it be good for the children? May masasaktan ba?”

Binigyang pugay rin ni Boy Abunda ang mahusay na paganap ni Dina bilang Laura sa Sana Bukas pa nga Kahapon.