• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino and Boy Abunda reveal why they like evicted housemate Ranty Portento

Kris Aquino and Boy Abunda reveal why they like evicted housemate Ranty Portento

There are two things hosts Boy Abunda and Kris Aquino like about evicted housemate Ranty Portento.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/24/2014 9:05 AM
Kris Aquino and Boy Abunda reveal why they like evicted housemate Ranty Portento


062414-ranty_Mainphoto.jpgMatapos mapalabas sa bahay ni Kuya, sinagot ni Ranty Portento ang mga intriga tungkol sa kanya sa Aquino and Abunda Tonight.

Tumakbo daw siya matapos banggitin ang kanyang pangalan bilang evicted housemate sapagka’t, “Ayaw ko pong makita na umiiyak ang mga malalapit sa akin kasi madamdamin po ako.” 

Nasa personality nga raw ni Ranty ang hirap magpaalam kaya naman tinanong siya ni Kris Aquino kung ito ang rason kung bakit may girlfriend siya at ka-MU nang sabay. Nilinaw ni Ranty na hindi naman niya talaga pinagsabay dahil panay ang “on and off” nila noon ng kanyang girlfriend. Ngunit sa ngayon daw sinabi na niya sa ka-MU niya na nagkabalikan na sila ng kanyang girlfriend na nasa Hong Kong.

Tungkol naman sa triangle na Loisa-Jane-Joshua na kung saan halos naging kabahagi si Ranty, ang masasabi lang ni Ranty ay, “parang pong nakikitingin na lang si Loisa kasi parang may bago nang best friend si Joshua.”

Hindi rin sang-ayon si Ranty sa mga nagtataka kung bakit siya ang napaalis ng bahay ni Kuya. In fact, sa mga naligtas diumano ay nandun ang big four niya. Buong tapang niyang pinangalanan ang kanyang Big Four na sina Loisa, Joshua, Maris, at Manolo.

Napahanga si Kris kay Ranty dahil mukhang “kaya niyang paninindigan ang [kanyang] pinagsasabi.

Mas lalo pang napahanga ang mga hosts ng programa nang sabihin ni Ranty na best friend niya ang kanyang nanay. Nanay daw niya ang nag-aasikaso at sumasama sa kanya sa pagbili ng lahat ng kailangan niya kapag sasakay na siya ng barko. Nanay din ang sabihan niya ng lahat ng problema niya at kahit na raw ayaw nito magpakita sa TV ay ginawa ito ng nanay niya para sa kanya.

Dalawang bagay ang natutunan ni Ranty sa bahay ni Kuya. Una ay ang “maging confident sa ginagawa mo kung alam mong tama” at pangalawa, “wag masyado mag-inom.