• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin reacts to Sarah Geronimo’s revelation about her love life

Coco Martin reacts to Sarah Geronimo’s revelation about her love life

Coco Martin is happy about Sarah Geronimo’s relationship with Matteo Guidicelli and says that she deserves the happiness she has now.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/24/2014 9:13 AM
Coco Martin reacts to Sarah Geronimo’s revelation about her love life


062414-Coco_Main.jpgSa panayam ng Push kay Coco Martin, nagpapasalamat ito sa suporta na natanggap ng kanyang pelikula kasama si Sarah Geronimo na Maybe This Time na umabot na sa 133 million pesos sa takilya, hindi pa kasama ang mga international screenings. Maliban sa istorya, sinasabing naging epektibo ang kanilang unang naging pagsasama sa pelikula. 

Natanong si Coco kung ano ang pinakamami-miss niya sa katambal niyang si Sarah. “Nakakamiss, sabi ko nga nakakamiss. Siyempre first time ko kasi gumawa ng light movie, ang sarap pala ng pakiramdam. Sa akin kasi napakaganda ng experience na nakasama ko pa si Sarah. Masaya kasi napakabait niya bilang tao at masaya na nakatrabaho dahil napakaprofessional nga. Sayang nga nung nararamdaman ko na na nagiging close na kami saka natapos yung pelikula so medyo nabitin. Pero sabi ko nga dumating man yung pagkakataon hindi man ngayon pero balanag araw na magkakasama ulit kami.” 

Marami din ang nagtatanong na dahil ba sa tagumpay na nakuha ng kanilang pelikula ni Sarah ay magkakaroon ba ito ng sequel? At ang tanging nasagot na lang ni Coco dito, “Hindi ko pa alam eh. Sana, sana balang araw.”

Natanong din si Coco tungkol sa masayang love life ni Sarah ngayon sa karelasyon na si Matteo Guidicelli na dating nakaalitan ni Coco. “Siyempre masaya. Kumbaga, panahon na rin naman. Nasa right age na siya at mabait silang parehong tao, sabi ko nga kung saan masaya si Sarah deserve niya yan. Sobrang hardworking na tao, sobrang mapagmahal sa pamilya at sa mga fans niya. This time ang sa akin siyempre kailangan paligayahin niya rin ang puso niya.”

Kwento pa ni Coco, alam na niyang inspirado si Sarah habang ginagawa ang kanilang pelikula at aniya pansin na pansin daw ang matatamis na ngiti ng Popstar Princess. “Ako basta ang alam ko lang kapag nagshu-shooting kami alam ko na inspired siya. Siyempre alam ko artista kami, nakikita namin yung glow, nakakatuwa. Sabi ko nga kung ano ang meron siya ngayon, kung anong blessing niya, deserve niya yun.” 

Kaya naman nang mapunta na sa kanya ang usapan tungkol sa love life, ang napangiting sagot ng aktor, “Ako? Kasi medyo busy ngayon ah.”

Natanong din kay Coco kung wala man lang bang nagpapangiti o nagbibigay ng kilig sa kanya, ang tanging nakangiting sagot ng aktor, “Ewan ko parang yung trabaho ko na lang ang nagpapakilig at nagpapangiti sa akin.”