Bagets na paminta, laman ng isang bar?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

6/23/2014 7:35 PM
Bagets na paminta, laman ng isang bar?


062314-ogie_main.jpgNoon pang bago-bago pa lang siya sa showbiz, pagkatapos niyang sumali sa isang talent search, ay pinagdudahan na ang kanyang gender. Ang nakakarating sa akin ay may dyowa itong isa ring "bi."

Wala namang masama kung bi or bading ang isang tao. Saka lang nagiging isyu yan sa showbiz kapag inililihim, kaya ang mga "lihim" ang masarap gawing pulutan sa tsismisan.

Kahapon lang ay tumawag ang isa kong friend na bading. Tinatanong niya sa akin kung, "Bading ba si _____?" 

Sagot ko, "'Yun ang balita noon pa, baket?"

"Eh, kasi tumawag ang friend ko sa akin just now, Mama Ogs. Niyayaya ako. Kung type ko raw sumaglit sa isang exclusive bar sa Kamuning. Sabi ko, bading naman ako, hindi ako paminta (read pa-macho). Yun na lang kakong mga tulad niyang pa-mhin ang invite niya. Sabi niya sa akin, 'Punta ka. Andu'n lagi si ______ sa bar.' 

Tinanong ko yung kausap ko. 'Baket, paminta ba 'yon?' -'Oo naman. Pag nagkakalasingan du'n, talo-talo na. Nagkakayayaan na to anywhere they want. Basta alam mo na 'yon. Suki kaya siya du'n.' -'Ah, talaga?' Na-shock talaga ako, Ogs. Panay ang post sa Instagram nu'n na lagi siyang laman ng gym, di ba?"

"Oo naman," sabi ko sa kanya. "Pero hindi naman lahat ng nagpapaganda ng katawan o yung me six pack eh tunay na mga barako na. Meron ding nagpupunta ng gym, pero mas matagal ang inilalagi nila sa steam room o shower room, dahil du'n, 'yung iba, talo-talo na!"

Anyway, ako ay hindi na na-shock kung "paminta" man si Bagets. Saka and so kung ayaw pa niyang umamin? Hindi naman nalalaos ang denial sa mga artista, hello! Hayaan na natin siya kung ayaw pa niyang umamin. Choice niya 'yon.

Eto na lang ang choices nyo sa initials ng name niya. Dalawa siyempre dito ang tama. D-P-E-F