• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricar Reyes has no problem being the third choice for Sasha’s role

Maricar Reyes has no problem being the third choice for Sasha’s role

Maricar says she’s happy to be offered Sasha’s role after it was offered to KC Concepcion and Iza Calzado

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/21/2014 8:41 AM
Maricar Reyes has no problem being the third choice for Sasha’s role


062114-aat_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinagot ni Maricar Reyes ang mga tanong tungkol sa buhay may asawa at sa kanyang role bilang Sasha sa Sana Bukas Pa ang Kahapon.

Katatapos lang ng first wedding anniversary ni Maricar at ng kanyang asawa na si Richard Poon at ayon kay Maricar, marami pa silang nadidiskubre sa isa’t-isa. Mas “OC” pa raw pala sa kanya si Richard at magkaiba sila kung saan nila pinipindot ang isang toothpaste. Si Maricar daw ay sa hulihan ng tube pumipindot at si Richard naman ay sa bandang taas, ngunit hindi naman daw ito pinagmumulan ng away.

Tinanong si Maricar kung totoo na sa pag-solve ng mga problema nila, si Richard, “faces challenges and (Maricar) runs away from it.” Paglilinaw ni Maricar, “Dati akala ko one side lang ang tama, yun pala, you have to make timpla.” 

Kwento pa ni Maricar, mahilig sila ni Richard mag-drive at maglakad sa gabi. Maghihintay daw muna din sila bago magka-baby lalo na’t busy pa siya sa taping ng Sana Bukas Pa ang Kahapon. Ibinahagi ni Maricar na gumagamit sila ni Richard ng calendar method sa pagpa-plano ng pamilya.

Ayon pa kay Kris Aquino, hindi nagkaroon ng intimacy si Maricar at Richard bago sila ikasal. At sang-ayon si Maricar na, “It was worth the wait.” 

Patungkol naman sa role niya bilang Sasha, hindi masama ang loob ni Maricar na pangatlong choice lang siya para sa role na ito. Nai-offer na kasi ang mga role kay KC Conception at kay Iza Calzado bago sa kanya. Ayon kay Maricar, “I’m happy that I was in the running because the roles I played before are so different from Sasha.”

Ibinahagi ni Maricar na nahirapan siya sa role ni Sasha kasi siya mismo ay naiinis dito. Kaya naman pinag-aralan niya ng husto kung ano ang back story ng character niya para maintindihan niya si Sasha.” Epektibo naman ang paganap ni Maricar dahil ayon kay Boy Abunda, “Hate ko na si Sasha sa unang araw pa lang.”