• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson describes his relationship with Maja Salvador as ‘unique’

Gerald Anderson describes his relationship with Maja Salvador as ‘unique’

Gerald Anderson says that his relationship with Maja Salvador is not easy, given their work schedules and what they had to go through.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/21/2014 8:50 AM
Gerald Anderson describes his relationship with Maja Salvador as ‘unique’


062114-gerald2.main.jpgNakapanayam ng Push at ng ilang press sa isang event si Gerald Anderson at hindi na nga nakaiwas ang aktor na kamustahin ang kanyang relasyon kay Maja Salvador. “Ganun pa rin, okay naman, masaya naman, masaya naman.”

Simula nang aminin nina Gerald at Maja ang relasyon nila, lagi silang mailap sa mga tanong na tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa at ayon kay Gerald nais niya talaga ang pagiging pribado pagdating sa kanilang dalawa ni Maja. “Mas gusto ko yung ganito, ayaw ko nga na pinag-uusapan kasi there is nothing to talk about. Personal life ko yun so as much as possible I want to keep it personal.”

Aminado si Gerald na hirap sila ni Maja na makahanap ng panahon sa isa’t isa dahil sa dami ng trabaho pero ayon sa aktor, trabaho ang prioridad nilang dalawa sa ngayon. “Yun lang, yun lang. Medyo mahirap lang talaga dahil sa trabaho namin, but ganun e, wala talaga, blessings yun eh, blessings. Pareho kaming nagpapasalamat.”

Ngunit sinisiguro naman ni Gerald na kapag may panahon ang isa sa kanila, gagawa at gagawa sila ng paraan para magkasama. “Wala namang specific na [araw]. Siyempre kung libre lang, siyempre gagawa ng effort, kung libre lang pero ang priority talaga is work, trabaho talaga. 

Inamin ni Gerald lagpas isang taon na rin ang kanilang relasyon at nang tanungin siya kung paano niya ilalarawan ang relasyon nila sa loob ng mahigit isang taon, “Unique siya. Ayaw ko rin masyadong magdetalye pero very unique kasi hindi biro yung pinagdaanan namin and parang na-survive namin yun. We are both very strong people at sana tuloy-tuloy na rin yun.”

Una nang nagsabi si Gerald na kung maari ay ayaw niya makatrabaho si Maja, na sinang-ayunan din ng aktres sa ibang panayam ng Push kay Maja. Ayon kay Gerald, “As much as possible ina-avoid ko. Kasi as much as possible gusto ko personal lang talaga. We took that opportunity na maging kami so yun nagsara na yung pintuan na magkatrabaho kami, pero hindi natin alam.”