Gerald Anderson opens up about working again with Kim Chiu

Gerald Anderson admits feeling a little uncomfortable working again with Kim Chiu.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/20/2014 10:10 AM
Gerald Anderson opens up about working again with Kim Chiu


062014-gerald.main.jpgMuling nagsama para sa isang TV commercial ang dating magka-love team na sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Sa lahat ng kanilang napagdaanan, tila hindi tinatantanan ng intriga ang dalawa.

Mula nang nabalitaang nagkaayos na sina Gerald, Kim at Maja Salvador, naging daan ito upang magkasama ulit sa isang proyekto ang dating magka-love team. Kaya naman masaya ang mga Kimerald fans sa muling pagsasama sa isang proyekto ng dalawa. “Siyempre masaya sila and natuwa sila. You know it’s been a long time since yung huling project na magkasama kami ni Kim so I am sure natuwa sila.” At ayon mismo kay Gerald, kahit na marami nang nanagyari, solid pa rin ang Kimerald fans, “Madami pa din eh. Sobra akong nagpapasalamat na ganun pa rin sila.”

Kaya naman nang matanong kung bukas pa rin ba si Gerald na makasama ang dating ka-love team at kasintahan sa iba pang proyekto tulad ng telebisyon o pelikula, “Oo naman, oo naman. Siyempre open naman ako sa lahat ng projects kung sino man ang makasama ko and is even more much better kasi pareho kaming may fans ni Kim so wala lang, masaya ako at natutuwa ako sa mga fans dahil nagkasama kami sa isang project.” 

Ngunit aminado si Gerald na habang ginagawa nila yung commercial, may konting ilangan na kanilang dalawa. “Siyempre matagal yung pinagsamahan namin, pero sa tagal na hindi kami nagkasama nandun pa rin yung ilangan.” 

Natanong din ang aktor kung nagpaalam ba siya sa kanyang girlfriend na si Maja bago gawin ang commercial kasama si Kim. “Hindi naman, kumbaga trabaho yun eh. As much as possible, sabi ko nga gusto ko yung relationship ko as much as possible personal siya, hiwalay sa trabaho niya.”


062014-gerald.main.jpgNaiintindihan din ni Gerald kung may mga kissing scenes o maseselan na eksenang kailangang gawin si Maja tulad na lang ng kanyang mga eksena sa katatapos lamang na The Legal Wife. Ayon kay Gerald, “Sinasabi naman, sinasabi naman pero siyempre very understanding ako. Siyempre artisa kami, ganun talaga.”

At nang matanong siya kung papipiliin siya kung sino ang mas nais niyang makatrabaho kay Maja o kay Kim, “Kakasabi ko lang na ayaw kong makatrabaho si Maja, tignan natin. Sabi ko open naman ako sa kung sino eh.”

Kaya naman ang hirit ng isang taga-press kay Gerald na ikinahalakhak maging ni Gerald, “So you’d rather work with Kim than Maja?” Ang natatawang sagot ng aktor, “Don’t feed words in my mouth. Alam ko yung ginagawa niyo. Sabi ko nga dahil naging girlfriend ko na siya ayaw ko siyang makatrabaho kahit na gusto ko.”