• Home
  • Fresh Scoops
  • Sen. Bong Revilla on his arrest: ‘Kung gusto nila kahit ngayong gabi pupunta na ako ng Sandiganbayan

Sen. Bong Revilla on his arrest: ‘Kung gusto nila kahit ngayong gabi pupunta na ako ng Sandiganbayan

Sen. Bong Revilla says he is ready to be arrested, asserts his innocence

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/19/2014 10:00 PM
Sen. Bong Revilla on his arrest: ‘Kung gusto nila kahit ngayong gabi pupunta na ako ng Sandiganbayan


062014-bong.main.jpgNakapanayam ng live ng TV Patrol si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay sa balita na as early as Friday, June 20 ay pwede nang arestuhin ang Senador dahil sa kinakaharap nitong kasong plunder at graft na sinampa sa kanya ng Sandiganbayan. 

Huwebes ng hapon, June 19 ay nakahanap ng probable cause ang Sandiganbayan upang ituloy ang kaso laban sa Senador kung kaya naman pinagawa agad ang warrant for arrest kay Senator Bong. Subalit “saved by the bell” diumano ang Senador dahil hindi pa napipirmahan ang warrant nang magsara ang Sandiganbayan. 

Tinanong ni Noli De Castro kay Sen. Bong ang kanyang saloobin sa paglabas ng warrant para siya ay arestuhin. Sinabi ng Senador na masakit ang mga nangyayari para sa kanya at sa kanyang pamilya ngunit nakahanda na siyang maaresto at makulong ano mang oras. “Alam mo Noli, masyado ng mahirap para sa akin at sa aking pamilya na halos araw-araw na naming naririnig ang paglabas ng warrant of arrest na yan. Noon pa man, talagang durog na durog na ang puso namin, last year pa lang nang pinalibutan kami ng dalawang-daang pulis dito hanggang ngayon nakatanim pa rin sa amin. At ngayon, dumating naman itong problemang ito, sunod-sunod na talaga namang sana panaginip lang. Basta tayo, nakahanda lang sa kahit ano mang kahihinatnan nito basta masasabi ko lang taas noo po akong lalabas sa kulungan kung ako man ay maiipasok nila. Handa na po ako, hindi po ako tatakbo at hindi na nila kailangan ng warrant of arrest e. Kung gusto nila kahit ngayong gabi pupunta na ako ng Sandiganbayan, hindi na nila ako kailangang hanapin pa.”

Tinanong din ni Noli kung ang kanyang paglilibot sa iba’t-ibang lugar nitong mga nakaraang araw ay senyales na tuloy pa rin ang kanyang political career ng 2016. Sagot naman ni Senator Bong ay, “Alam mo ikukulong na nga tayo, 2016 pa rin ang nasa isip natin. Ang sa akin lang, gusto ko lang magpasalamat sa mga supporters na patuloy nagmamahal sa atin, patuloy na nagdadasal para sa aking pamilya, na patuloy ding nagbibigay ng lakas sa amin para labanan lahat ng ito.” 

Pagpapatuloy pa ng Senador na isantabi muna ang politika, lalo na ng administrasyong Aquino, upang mabigyang tugon ang kahirapan. “Kaya sabi ko nga set aside politics, siguro ang mensahe ko lamang sa administrasyong ito na sana tugunan ang totoong suliranin ng ating bansa. Ngayon na ako ikukulong na ako, alam ko ito na siguro yung huling beses na maririnig ako ng ating mga kababayan. Ang hiling ko lang sa administrasyong ito, na bigyan ng atensyon yung tunay na problema dahil sobrang dami na ng mga taong naghihirap. Yung taas ng presyo ng sibuyas, bawang, at bigas; lalo lang naghihirap ang ating mga kababayan e. Kaya dapat yun ang tugunan, kaya doon ako nalulungkot Noli.” 

 Bilang pagtatapos, sinabi ni Sen. Bong na wala siyang kasalanan at handa siyang mag-sakripisyo. “Kaya sabi ko nga kung ito talaga ang ating kapalaran, na tayo ang magiging sakripisyo para sa problemang ito nakahanda tayo pero lalabas ako sa kulungan ng taas noo at wala po akong ninakaw sa kaban ng bayan, makakatingin po ako ng diretso sa kahit kaninong mata na wala po akong kasalanan.”