At nang ikumpirma nga kung ito ang tawagan nila ni Matteo, ito ang naging agad na pag-amin ni Sarah, "Oo naman, oo naman. O sige sasabihin ko na po boyfriend ko po si Matteo at yun kasi marami din ang nagsasabi na paligoy-ligoy so yun."
Tumanggi nang sumagot pa sa ibang katanungan si Sarah tungkol sa kanilang relasyon, tulad ng gaano na sila katagal o kung paano nakuha ni Matteo ang loob ng mga magulang ni Sarah pero sa lahat-lahat ng ito, nang kamustahin ang aktres, ang nakangiting sagot niya, "Okay naman, okay naman po."