• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco says he will do everything to keep his family together

Jason Francisco says he will do everything to keep his family together

Jason Francisco doesn’t want a broken family, admits he finds it hard to do comedy roles.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/19/2014 9:20 AM
Jason Francisco says he will do everything to keep his family together


061914-jason.main.jpg

Sa Aquino and Abuna Tonight, sinagot ng Melason love team at mag-asawang Jason Francisco and Melai Cantiveros ang mga issue tungkol sa kanila.

Aminado naman si Melai na wala silang masyadong trabaho ngayon kung kaya, lumipat sila ng Cavite upang makatipid sa rent at makaipon. At sa pagdating daw ni Baby Mela sa kanilang buhay ay mas naging mature na sila pagdating sa mga bagay katulad ng pera.

Gagawin diumano ni Jason ang lahat para mabuo ang pamilya nila ni Melai, dahil siya ay galing sa isang broken family at ayaw niyang mangyari ito sa kanyang pamilya.

Ang mga loyal fans ng dalawa ay nagre-request ng balik tambalan sila pero sana daw ay kasama na si Baby Mela. Dagdag pa ni Jason, galit ang mga fans kapag pina-partner siya sa ibang artista maliban kay Melai. Kaya naman pakiusap ni Melai na pumayag ang mga fans na maipareha si Jason sa iba dahil trabaho iyon.

Hinihiling ni Jason na mabigyan siya ng mga seryosong role. Ayon sa kanya seryoso talaga siyang tao at hirap siya magpatawa.

Postponed din ang binyag ni Baby Mela sapagka’t may mga trabaho si Melai. Siya ang makakasama ni Kris Aquino sa third anniversary celebration ng Kris TV sa Macau. Nag-promote din si Melai ng Maalaala Mo Kaya ngayong Hunyo, directed by Eric Quizon, kung saan magiging best friend siya ni Shaina Magdayao. 

Tinanong ni Kris kung may “nangyayari” na muli sa mag-asawa, dahil sinabi raw noon ni Melai na “stop muna.” Ganoon pa rin daw ang desisyon ni Melai at suportado naman siya ni Jason. Ayon kay Jason, “May mas mahalaga naman sa kerengkeng katulad ng kiss or hug.”

Pinayuhan din ang dalawa ni Kris na sumangguni sa kanilang doktor para sa angkop na reproductive family plan para sa kanila.

WATCH KUMUSTA NA ANG SEX LIFE NG MELASON?