Alex Gonzaga admits having separation anxiety

Alex Gonzaga says she can now use the hashtag #SEPANX, shares discoveries about herself inside Kuya’s house.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/18/2014 11:58 AM
Alex Gonzaga admits having separation anxiety


061814-alex.main.jpgNakapanayam ng Aquino and Abunda Tonight si Alex Gonzaga tungkol sa kanyang pamamahagi sa bahay ni Kuya.

Nagkwento siya tungkol sa love triangle sa bahay ni Kuya. Ayon sa kanya naging close si Joshua at Loisa dahil tinukso nila ang dalawa tapos pinaglayo ni Kuya kasi nga masyado pang bata ang dalawa, kaya naman ang nagkalapit ay si Jane at Joshua.

Si Jane naman daw kaya maraming hindi naiintindihan dahil 17 years old pa lang siya ngunit “pang-matanda” na ang mga responsibilities niya bilang breadwinner ng kanyang pamilya at dahil galing itong showbiz. 

Naging masyado “touchy” si Jane at Joshua at nahihiga pa ang dalawa sa “lap” ng bawa’t isa. Ang alam daw niya ay best friend lang ang turing ni Jane kay Joshua, at si Joshua ang may feelings para kay Jane.

Tinanong ni Boy Abunda kung nag-iinternalize si Jane tuwing may papalabas na housemate para makaiyak at makakuha ng simpatya sa mga tao, sagot naman ni Alex hindi naman, ngunit meron diumanong isang beses na ang tagal nagno-novena ni Jane noong feeling niya mano-nominate siya.

Proud si Alex na kaya pala niyang makagawa ng balsa. “It’s my Mount Everest,” aniya. Isa pang nadiskobre niya sa loob ng bahay ni Kuya ay, “kailangan mo mag-adjust.” Hindi daw pwede na “ganito ako e,” kailangan makinig sa payo ng ibang tao at baguhin ang ilang mga bagay sa sarili mo kung kinakailangan.

Tinanong din siya kung paano ang naging transition niya mula sa pagiging “bunso” sa bahay nila at pagiging “ate” naman sa loob ng bahay ni Kuya. Sabi ni Alex, “Mahilig po ako sa unsolicited advice, kaya kahit po hindi ako kasali nangingialam ako.” 

Namiss din niya ng sobra ang kanyang kapatid na si Toni. Unang nasambit ni Toni pagsalubong sa kanya nito ay, “I’m proud of you,” na sinagot naman daw ni Alex ng “likewise!”

Matalik niyang kaibigan sa bahay ni Kuya si Fifth at crush naman niya si Fourth, ngunit may girlfriend si Fourth kaya ani Alex tungkol sa kanyang nararamdaman, “wala naman ito.” Ang mga posibleng maging big winner para kay Alex ay sina Fourth, Maris at Loisa.

Meron pa rin daw siyang #SEPANX or separation anxiety. Dati raw nakikita lang niya ang hashtag na ito sa instagram at ngayon ay nagagamit na niya.