Aktres na dating heartbroken, may bago nang pag-ibig!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

6/18/2014 11:46 AM
Aktres na dating heartbroken, may bago nang pag-ibig!


061814-ogie.jpgHappy naman ako para sa isang aktres. Meron na siyang bagong lovelife pagkatapos siyang pa-iyakin ng dati niyang pinakasalan. 

Walang edad-edad sa pag-ibig. Basta parehong tumibok ang puso n'yo para sa isa't isa, yun na yon. Kahit pa sabihing halos anak na lang niya ang bago niyang bf o kahit sabihin pang mas matanda pa ang anak ni Aktres sa bago niyang dyowa eh ok lang naman sa anak ni Aktres. 

Noon pa pala crush ni Bagets ang Aktres. Eh si Aktres naman, kahit pa panay ang sabi sa kanya ng common friend nila na pagkikitain sila ay hindi siya ganon ka-interesado. Pero nung one time nga, nagkita na rin finally ang dalawa ay hindi pa rin ganu'n kalakas ang dating ng bagets kay Aktres hanggang sa hingjn nga ni Bagets ang celphone number ni Aktres at yun na. Tuwing umaga ay may-I-good morning si Bagets. Nandyang i-address siya ng, "Good morning, Ms. _____!" 

Tapos, nung second day naman ay sabi ni Aktres sa sarili, "Eto pag nag-good morning uli to, consistent talaga siya!" Ayun, nalokah si Aktres at ang text message ni Bagets, "Good morning, Ms. Ganda!" at du'n na kinilig ang Aktres. 

Grabe ang bagets kung maka-text, makatawag sa Aktres na gustong-gusto naman niya.

And even the parents of the Bagets, walang tutol, dahil sabi lang ng parents nito, "Malaki ka na. Alam mo na kung ano ang gusto mo na makabubuti sa yo."

Kaya din magkasundo ang dalawa dahil pareho sila ng sports na hilig -- badminton. 

Teka, sino ba sa mga aktres ang adik sa badminton? Ah, si Ano, si Aaaaayyyyy! Aaayoookooo!!!