Bea Alonzo says Zanjoe Marudo is like “chocnut”

Bea Alonzo says she is happy Zanjoe considers her his last girlfriend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/17/2014 12:25 PM
Bea Alonzo says Zanjoe Marudo is like “chocnut”


061714-bea_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinagot ni Bea Alonzo ang ilang tanong tungkol sa kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo at kanyang latest teleserye na “Sana Bukas Pa ang Kahapon.”  

Pinuri ng host na si Boy Abunda ang chemisty nila on screen ni Paulo Avelino. Ayon kay Bea, sumailalim sila ni Paulo sa isang sensuality workshop dahil nagkakahiyaan at nagkakailangan sila noong una. Hindi raw kasi sila magkakilala talaga ni Paulo, atsaka tahimik na tao ang aktor. Maganda diumano ang twist ng character ni Paulo at mahusay din niya itong nagampanan. 

Na-in-love si Bea sa purity ng character ni Rose at sa strength naman ni Emmanuelle. Maswerte din diumano si Bea at nakasama niya ang mga batikang artista katulad nila Anita Linda, Albert Martinez, Susan Roces at Eddie Garcia. 

Bilang artista, marami pang dream role si Bea, pero so far naman daw lahat ng napupunta sa kanyang character ay pinangarap niya. Sa paghahanda naman para sa TV at pelikula, ani Bea mas malaki ang acting niya for TV kasi busy ang mga nanonood kapag nasa bahay. Mas maliit naman ang nuances niya sa pelikula sapagka’t nakatutok lang ang tao habang nanood. 

Tinanong naman ni Kris ang tungkol sa sinabi ni Zanjoe na huling girlfriend na niya si Bea. Kwento ni Bea, si Andrea Brillantes ang nagtanong nito kay Zanjoe habang kasama nila ito sa sasakyan. “Tatay, pang-ilang girl friend mo na si Ate Bea?” sabi ni Andrea. Mabilis naman daw ang sagot ni Zanjoe na “panghuli.” Kinilig si Bea at pagbibiro pa niya, “Slow-mo ako napatingin, nailawan ako with windblown effect.”

Last boy friend na raw niya si Zanjoe at kung chocolate si Zanjoe, “chocnut” ito dahil “binabalik-balikan,” at kung kakainin niya ito, she will “savor every flavor.”